Hepe ng San Juan City – PNP, Sinibak dahil Palpak

 

Ni: Roy Bersales

 
PUMALPAK ang hepe ng yunit ng Philippine National Police (PNP) na agresibong ikasa ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Sa eksakto, bihira ang namamatay na mga tulak ng shabu sa San Juan City, gayong  tukoy na ang nasabing lungsod na napaka-talamak ang bentahan at paggamit ng ipinababawal na gamot, partikular ang shabu.

Inilipat ni Chief Supt. Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), si Senior Supt. Victor Arevalo ay inilipat sa Center for Police Strategy Management Unit (CPSMU) ng PNP na naka-base sa Camp Crame.

san-juan-pnpIpinalit ni Albayalde kay Arevalo si Supt. Jose Ogbac bilang Officer-In-Charge.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Romulo Sapitula, mahina ang “performance” ni Arevalo, partikular ang pagsugpo sa iligal na droga.

Ang pagkasibak kay Arevalo ay inaasahan na, sapagkat dati pa man ay nagbabala na si Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP, na sisibakin sa puwesto ang mga hepe sa iba’t ibang yunit ng PNP kung sila ay lalamya-lamya sa kampanya ng adminitasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Matatandaang higit na isang daan ng nasibak sa kanilang mga puwesto ang maraming hepe ng pulisya sa Northern Luzon at Central Luzon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like