Hepe ng QCPD Police Station, Lider ng SAID Sinibak

 

Ng: Tapat News Team (TMT)

 

IPINAKITA ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazer ang kanyang tikas nang tanggalin niya sa puwesto ang dalawang opisyal sa Quezon City Police District (QCPD).

Sinibak ni Eleazar sina Supt. Dario Anasco Jr. at Chief Insp. Virgilio Carodan dahil sa “command responsibility” sa ginawang pangingikil ng limang pulis ng naka-destino sa QCPD Police Station 2.

Si Eleazar ang acting QCPD director simula Hulyo 1.

Pinalitan niya si Chief Supt. Edgardo Tinio na ngayon ay nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ng National Police Commission (Napocor) dahil sa pagkakadikit niya isyu ng bawal na gamot.

Si Anasco ay hepe ng Police Station 2, samantalang si Carodan ay pinuno ng Station Anti-Ilegal Drug (SAID).

Nitong Martes, tinanggal ni Eleazar sina PO1 Michael Gragasin, Sr. Insp. Benjamin Mayor, SPO3 Archimedes Marzan, PO2 Alex Chocowen, at PO1 Jeron de Dios matapos sampahan ng kasong pangingikil.

Ang kaso ng lima ay batay sa reklamong nanghihingi umano sila ng malaking halaga sa suspek ng drug trafficking kapalit ng kalayaan nito.

Kinasuhan na sina Gragasin, Mayor, Marzan, Chocowen at De Dios sa piskalya.

Idiniin ni Eleazar na bagamat ang “participation (of Anasco and Carodan) in the extortion practice of their men has to be establish yet, they were relieved and transferred to the District Headquarters Support Unit for them not to influence the ongoing investigation.”

Sina Anasco at Carodan ay pansamantalang itinalaga sa QCPD District Special Operations Unit (DSOU) habang nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa kaso.

Si Supt. Igmedio Bernaldez ang pumalit kay Anasco.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like