Hepe ng PNP sa Lanao, Inambus dahil sa Droga?

 

Ni: Denz Laguipo

 

 

KATATAPOS lamang maghatid ng hepe ng Philippine National Police (PNP) sa isang bayan sa Lanao del Sur ng kanyang accomplishment report sa mas mataas sa kanya hinggil sa kampanya laban sa iligal na droga sa kanyang nasasakupan.

Ilang minuto pagkaalis ni Senior Insp. Darangina Ditucalan sa himpilan ng PNP sa lalawigan sakay ng kanyang Mitsubishi pick-up pabalik sa himpilan naman ng PNP sa bayan ng Poona-Bayabao ay tinambangan siya ng hindi kilalang armadong kalalakihan.

Ayon kay Senior Supt. Agustin Tello, direktor ng PNP sa Lanao del Sur, si Ditucalan ay pinagbabaril ng dalawang lalaking nakamotorsiklo nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa ulat, hindi nakaporma si Ditucalan hanggang namatay.

Ang inisyal na hinala ng PNP sa Lanao del Sur ay miyembro ng radical jihadists na sumusuporta sa Islamic State na kumikilos sa lalawigan upang ‘itumba’ umano ang mga pulis na sangkot sa iligal na  droga.

Hindi nakalimutan ng ibang pulis na si Ditucalan ay pinatay eksaktong isang taon nang patayin si Supt. Al Abner Wahab Santos noong Oktibre 17, 2015 ng mga miyembro umano ng Khilafah Islamiyah Movement na kung tawagin ng mga awtoridad ay Maute group.

Pinaiimbestigahan na ni Tello ang pagpaslang kay Ditucalan.

Matatandaang sinabi n minsan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga pulis na sangkot sa operasyon ng iligal na droga ay dapat mamatay.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like