Hanapbuhay mula sa DTI, BMSMED

LIBRENG seminar tungkol sa pagpapaunlad ng hanapbuhay at pagnenegosyo ang handog ng Department of Trade and Industry (DTI) kasama ang Bureau of Micro, Small and Medium Enterprise Development (BMSMED).

Patuloy ang pagsasagawa ng nasabing mga ahensiya ang libreng enterprenuership briefing sa mga manggagawa at negosyante na sinimulan nitong Marso 22 at matatapos Abril 30 ngayong taon.

Ito ay tugon ng DTI at ng BMSMED sa mga gustong magnegosyo at nagnenegosyo . Ang bawat paksa ay nagbibigay kaalaman tungkol sa mga epektibong paraan  sa pagtatayo at pagpapaunlad ng negosyo.

Ang mga briefing ay isinasagawa tuwing Martes at Biyernes, 1:30-4:00 ng hapon sa BMSMED Training Room, 5/F DTI  Building, 361 Sen. Gil J. Puyat Avenue, Makati City.

Ang sumusunod ay ang iskedyul para sa mga nalalabing mga paksa:

DATE TIME TOPICS PRESENTOR
Apr. 23
Tuesday
 

2:30PM
2:45PM-4:00PM

 

Drugstore Business
Orientation on Starting a Travel Agency Business

 

Gamot Publiko
PTAA/Visatrust Travel Agency

Apr. 26
Friday
1:30PM-4:00PM Meat Processing for Business Ultima Entrepinoy
Apr. 30
Tuesday
1:30PM-4:00PM
2:45PM-4:00PM
Orientation on Shelf-Life Testing
Orientation on Nutrition Labeling
DOST – FNRI

Para sa iba pang katanungan tungkol dito, maaaring tumawag sa 751.5076 at 897.1693, hanapin lamang sina Carissa Sapera, Imelda Gabriel, Edwin Pasahol o si Corabeth Magkalas. [Rica Canon]

You May Also Like