Hamon kay Pnoy: Give up president’s pork!

Sa kabila ng pahayag ni Pangulong Benigno Aquino III na kanya nang winawakasan ang pork barrel, patuloy pa rin ang panawagan ng taongbayan na tapusin ang malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan, lalo na ang President’s Social Fund (PSF).

PNoy Malacanang

“Bago ko ipalakpak ang aking mga kamay, gusto kong makitang magkatotoo ang kanyang mga sinabi. At hindi lang yan, dapat kasama ang sarili niyang pork barrel,” mariing pahayag ng retiradong arsobispo na si Oscar V. Cruz sa isang panayam kamakailan sa Radyo Veritas 846 tungkol sa ‘discretionary funds’ na tinatanggap ng pangulo na aabot sa P450 bilyon kada taon.

Duda naman ang karamihan na pagpapalit lamang ng pangalan ang mangyayari. Sa isang interview ng Radyo Veritas 846 ang pangunahing istasyon na nagbigay ng daan sa People Power noong 1986, sinabi ng retiradong arsobispo na si Oscar V. Curz na, “walang kahalagahan” ang anunsyo ng palasyo tungkol sa pagbaklas sa Priority Development Assistance Fund (PDAF).

“Sawa na ako sa mga pangako mula sa kanya [pangulo]. Puno siya ng salita ngunit walang nangyayari…Hanggang sa ngayon sinasabi lang ng pangulo ang mga bagay na sinasabi ng mga nakapaligid sa kaniya,” ani Cruz, na nangakong dadalo sa ‘Million People March’ na itutuloy sa Lunes.

Binanggit din ni Cruz ang kanyang agam-agam kung bakit tila nililimitahan ang pagiimbestiga ng Commission on Audit (COA) sa taong 2007 hanggang 2009 lamang, panahon ng panunungkulan ni dating pangulong Gloria Arroyo.

Tanong pa ni Cruz hinggil sa termino ni pangulong Aquino, “Paano ang 2010? Ibig sabihin wala nang problema noong 2010 hanggang 2013?”

Dagdag pa ni Cruz na dapat hindi ‘exempted’ ang kahit sino man sa pagiimbestiga, at muling hinimok ang ahensya na ungkatin ang mga katiwalian maging sa panahon ng administrasyong Aquino.

Matatandaang nito lamang Biyernes sinabi ni pangulong Aquino na napapanahon na upang tanggalin ang pork barrel subalit mananatili ang pagbibigay ng pondo sa mga proyektong pangungunahan ng mga mambabatas. Dagdag pa ng pangulo, kanilang paiigtingin ang ‘transparency’ upang masigurong mapupunta sa tamang proyekto ang mga pondo.

Sa pahayag ni dating National Treasurer Leonor Briones, isa sa mga matatanggap ng pangulo ay may higit sa P25 bilyones na kilala bilang ‘special purpose fund’ na kasama sa 2014 national badget.

Samantala nagpahayag naman ng kahandaan ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa panguguna ni Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac at sinabing nakatakda silang makipag-ugnayan sa mga organizers upang maging mapayapa ang naturang pagtitipon.

You May Also Like