Halalan sa Mayo, dapat environment-friendly

Nag-ala superhero ang mga aktibista na suot ang popular superheroes costumes na tulad nina Hulk at Ben 10, kasama din ang mga local eco-warriors na Super Walang Aksaya, Boy Bayong at B Eliminator at nagtungo sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros upang himukin ang ahensiya na gawing environment -friendly ang kapaligiran sa panahon ng halalan sa Mayo.

Tinatagubilinan ng naturang mga grupo ang mga politiko sa kanilang obligasyon bilang mga future public servants at maimulat ang mga botante kung sino ang karapat dapat na maluklok sa puwesto.

“The country’s leaders should be green superheroes–not jokers or, worse, environmental villains, (Ang mga pinuno ng bansa ay dapat mga bayani ng kalikasan — hindi mga payaso o mas malala, mga kalaban ng kalikasan) ” pahayag ni Francis dela Cruz, tagapagsalita ng Greenpeace Southeast Asia.

Ang naturang mga superheroes ay kasama ng environmental advocates mula sa Greenpeace, EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives (GAIA), Buklod-Tao at Gulayan Pilapil Neighborhood Association (GPNAI). Ang mga ito ay nagsuot ng kulay berdeng maskara bilang pag-promote sa kanilang 2013 Green Electoral Initiative (GEI) na tinawag na “Berde ka ba?” – isang snapshot kung saan ang mga senatorial candidates ang tinutumbok sa mga usaping pang-kapaligiran.

You May Also Like