Hacienda Yulo, Ipamahagi sa mga Magsasaka

 

 

Ni: Joel O. Amongo

HINILING ng isang grupo ng mga magsasaka sa kalihim ng Department of Agrarian Reform (DAR) na isailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang Hacienda Yulo sa Laguna upang magkaroon ng sariling lupang sinasaka ang mga magsasaka.

Ayon kay Orly Marcellana, taga-pagsalita ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK), nararapat na isalalim ang Hacienda Yulo upang ang natitirang higit 3,000 ektarya nito ay maging pag-aari na ng mga magsasakang matagal nang nagsasaka sa hasyenda.

Ang hasyenda na matatagpuan sa Cabuyao, Sta. Rosa, at Calamba City ay dating 7,100 ang sukat.

Nabawasan nang nabawasan hanggang higit 3,000 na lamang ang nasasakahan, makaraang naging industriyalisado ito sa pagdaan ng panahon.

Sabi ni Marcellana, ang Hacienda Yulo na orihinal na pag-aari ni Jose Yulo ay kailanman napasailalim sa CARP.

Nagsimulang maipatupad ang CARP noong 1988 noong si Corazon Cojuangco Aquino ang pangulo ng bansa.

Naging Pangulo ang anak ni Aquino na si Benigno Simeon Cojuangco Aquino 3 rd na kung saan natappos ang termino nito nitong Hunyo 30, ngunit hindi pa rin naisama ang Hacienda Yulo sa CARP.

Ngunit, hindi sumusuko ang KASAMA-TK sa laban nito na maibahagi ang natitirang higit 3,000 sa mga magsasaka upang magkaroon sila ng sariling lupang sasakahin.

 

 

You May Also Like