GYERA LABAN SA MALNUTRISYON

 

KAWAWANG MGA SANGGOL: Inaasahang patuloy na lalala ang malnutrisyon sa bansa sa susunod pang mga taon kung walang gagawing kongkretong hakbang ang pamahalaan.
KAWAWANG MGA SANGGOL: Inaasahang patuloy na lalala ang malnutrisyon sa bansa sa susunod pang mga taon kung walang gagawing kongkretong hakbang ang pamahalaan.

Ni: Marites Badilla

 

KUMBINSIDO si Senadora Riza Hontiveros na kailangang maglunsad ng gyera ang pamahalaan laban sa malnutrisyon upang mailigtas ang mga malnourished na bata at matuldukan na rin ang epekto ng malnutrisyon sa ekonomiya ng bansa.

Ani Hontiveros (Akabayan party-list/Liberal Party), kailangan ang direktang pakikialam ng pamahalaan sa pagresolba sa malnutrisyon.

Ito ay sa pamamagitan ng paglulunsad ng 1,000 araw na programang pakain sa mga sanggol.

Idiniin ng bagitong mambabatas na “crucial” ang pagpapakain ng wasto sa mga sanggol sa loob ng 1,000 araw.

Ang 1,000 araw na programang pakain ay siyang laman ng Senate Bill No. 1145 (Healthy Bulilit Law) ng mungkahi ni Hontiveros kung saan inaatasan ang Department of Health (DOH) at ang National Nutrition Council (NNC) na lakihan ang tulong nito sa lahat ng sanggol sa bansa.

Ang SB 1145 ay resulta ng pag-aaral ng pamahalaan na lumalala nang lumalala ang kalagayan ng malnutrisyon sa bansa.

Sa pag-aaral ngang isinagawa ng Save the Children International, umabot sa P328 Bilyon, o katumbas sa 3 porsiyento ng gross domestic product (GDP), ang nasayang sa ekonomiya noong 2013 dahil sa tindi ng problema sa malnutrisyon.

Taun-taon ay umaabot sa mahigit P300 Bilyon ang nawawala sa ekonomiya dahil sa malnutrisyon.

Kaya, idiniin ni Hontiveros na nararapat lamang na magkaroon ng batas ang Pilipinas na nag-uobliga sa DOH at NNC na tiyaking nakakakain nang maayos ang mga sanggol sa loob ng 1,000 araw mula sa kanilang pagkasilang.

Ang programang ito ay iba sa umiiral na programang pagpapakain din sa piling mag-aaral sa elementarya.

Ang biktima ng malnutrisyon ay iyong mga sanggol at batang sobrang mahihirap ang mga magulang.

Dahil sa labis na kakapusan sa buhay, hindi magawa ng mga magulang na mapakain nang wastong pagkain ang kanilang mga anak.

Idiniin ni Hontiveros na huwag dapat pabayaan ng pamahalaan ang suliranin sa malnutrisyon, sapagkat ito ay ‘pumapatay’ sa mga sanggol, bata, at maging ang ekonomiya ay ‘dinadagukan’ nito.

Lubos na umaasa si Hontiveros na hindi magdadalawang isip ang kapwa niya mga senador na suportahan ang SB 1145.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like