GRP-ASG peace talks?

Bukas si incoming President Rodrigo Duterte sa usapang pangkapayapaan sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa kabila ng sunod-sunod na kidnapping na ginagawa ng grupong ito.

Idiniin ni Duterte nitong Sabado, habang dumadalo siya sa isang “Thanksgiving Party” Cebu, na gusto niyang lumahok din ang ASG sa usapang pangkapayapaan sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas (GRP) tulad ng isinasagawa ng kanyang administrasyon sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDFP), sa isang banda, at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) and Moro National Liberation Front (MNLF), sa kabilang banda naman.

Kung hindi makikipag-usap ang ASG, hindi magdadalawang isip ang administrasyong Duterte na gumamit ng dahas upang matapos na ang suliranin sa terorismo sa ilang lalawigan ng Mindanao tulad ng Sulu, saad ni Duterte.

Aniya, hindi “kaaway” ang ASG dahil naiintidihan niya ang dahilan ng kanilang ginagawa at ito ay mayroong kinalaman sa buong problema ng Mindanao.

Ang Mindanao na sinasabing mayamang isla ay nananatiling mahirap dahil sa pagbabaya sa mga nakalipas na administrasyon, kabilang na ang papatapos na administrasyong Aquino.

“Abu Sayyaf, hindi ko sila kalaban. I know that is connected with the issue of Mindanao. Nais ko lang linawin, sila ba? Are they willing to talk or just fight it out?,” paglilinaw ng bagong pangulo.

Sabi pa niya, sayaw kyng bibili ng mga baril at mga bala ang pamahalaan para sa ASG, samantalang mga Pilipino naman ang mga ito.

“I hate to buy rifles and bullets, cannons and bombs to kill a Filipino. I could hardly move my finger to sign a document buying things just to kill my fellowmen. Masakit. Masakit sa loob,” diin ni Duterte.

Kamakailan, napabalitang pinagutan ng ASG ang dalawang Canadian nang hindi nakatanggap ang teroristang grupo ng hinihinging pera.
Nitong Biyernes naman, pinalaya ng ASG ang isang babaeng isang higit isang taon na nilang bihag makaraang mabayaran ang ASG ng P25 milyon.

Itinanggi ng kampo ni Duterte na may bayarang naganap.

Inamin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na sa kasalukuyan, pitong Indonesian ang bihag ng ASG.

Ang pito ay dinukot niton

You May Also Like