Graduates sa City Jail

KAHANGA-HANGANG MGA BILANGGO: Makikita ang kasiyahan sa mukha ng mga bilanggo ng Quezon City Jail na nagsipagtapos ng elementarya at high school sa pamamagitan ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) sa loob ng bilangguan. (Rafael Taboy)
KAHANGA-HANGANG MGA BILANGGO: Makikita ang kasiyahan sa mukha ng mga bilanggo ng Quezon City Jail na nagsipagtapos ng elementarya at high school sa pamamagitan ng paglulunsad ng Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd) sa loob ng bilangguan. (Rafael Taboy)

Ni: Jan Sinocruz

 
“Kahit nasa likod ng rehas ay may pag-asa pang makapag-tapos ng pag-aaral…”
 
“…Hindi balakid ang posas at rehas upang ang mga bilanggo ay hindi matuto ng wastong kaalaman.”
 
“Ang city jail ay maituturing ding munting paaralan na punong-puno ng kaalaman.”
 
 
Ang mga katagang ito ay mensaheng galing sa mga puso ng mga bilanggo ng Quezon City Jail na kahit pinosasan at nakulong ng ilang taon sa mga salang hindi naman nila nagawa ay hindi naman nakulong ang kanilang determinasyon at pangarap na makapagtaaposs ng pag-aaral.
 
Ngayong Agosto 22, 41 bilanggo ng Quezon City Jail ang nagsipagtapos ng Alternative Learning System (ALS) program para sa taong 2015-2016.
 
Ikinatuwa ito ni QC Jail Warden Supt. Randel Latoza na nagsabing ang ALS program ay naganap at naging matagumpay dahil sa mahigpit na pagtutulungan ng Department of Education (DepEd) at Bureau of Jail and Management (BJMP).
 
Ang BJMP – QC Jail nag-ayos ng mga bilanggo na siyang magiging mag-aaral, samantalang ang DepEd ang naghanda ng mga guro na siyang nagturo sa mga bilanggo.
 
Ang Inmates Welfare and Development Unit (IWDU) ng BJMP ang siyang nangasiwa ng mga pasilidad kung saan isinasagawa ang modular session para sa elementarya at sekondarya hanggang matagumpay na nairaos ang pag-aaral ng mga preso sa ALS.
         
Ayon kay Latoza, dahil sa ALS program nabigyan ng oportunidad na magpatuloy sa kanilang pag-aaral ang mga bilanggo sa nasabing kulungan.
 
Dahil sa pagtatapos ng 41, nangangahulugang hindi naging balakid ang kanilang pagkakakulong.
 
Ilan sa mga preso ang nagsipagtapos sa elementarya, habang ang iba naman ay high school ang tinapos sa ALS.
Masaya ang pamunuan ng QC Jail, sapagkat sila ay pumangalawa sa buong BJMP-National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na bilang ng mga pumasa sa isinagawang pagsusulit ng mga bilanggong mag-aaral sa ALS upang tuluyang makapagtapos sa programang pang-edukasyon ng DepEd sa mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral sa nakalipas na mga panahon, ngunit determinadong muling makapag-aral kung bibigyan lamang ng pagkakataon kahit sila pa ay nakakulong tulad ng 41.

You May Also Like