Gobyerno kulang sa aksyon sa mga hinaing ng OFWs

Kahit pa masusi ang pagmamadali ng pamahalaan upang maresolba ang kontrobersyal sex-for-flight scandal na kinasasakuntan ng ilang opisyales ng gobyerno na nambibiktima ng mga babaeng OFW, nananatiling bokya naman ang pamahalaan upang matugunan ng isyung pampamilya na patuloy na problema ng maraming OFW.

Ayon kay Edmund Ruga, program coordinator ng Episcopal Commission for the Pastoral Care of Migrants and Itinerant People (ECMI) ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na kinakailangan pang palawigin ng gobyerno ang pagtulong sa mga OFW at kanilang mga pamilya lalo na ang mga nangangailangan.

Sa isang media forum na ginanap sa pamosonh Aristocrat restaurant, isiniwalat ni Ruga ang kawalan ng aksyon ng ating pamahalaan sa mga problemang kinahaharap ng mga pamilya ng migrant workers upang magkaroon ng kaaya-ayang sitwasyon para sa mga mangagawa at kanilang mga pamilya.

“Wala pa tayong nakikita na direksyon sa gobyerno sa pagresolba ng mga isyu ng migration lalo sa mga mga mangagawa na nasa ibang bansa at sa kanilang pamilya ditto sa Pilipinas,” ani Ruga sa forum na tinawag na ‘Tapatan sa Aristocrat’,
Ayon pa kay Ruga, kailangang magkaroon ng pagkakaisa sa Pinas at sa mga bansang pinupuntahan ng mga OFWs upang mabigyan ng magandang oportunidad at makasama ang kanilang pamilya sa bansa na pagtatrabahuan. Ayon sa mga survey, problemang magasawa at pamilya ang nangunguna sa listahan ng mga problema ng mga OFWs. Kakulangan sa komunikasyon, kakulangan sa pagaaruga ng mga anak, at kakulangan sa pagpapalawig ng relasyon ng mag asawa, paguwi na pagasa na lamang sa mga padala, marangyang pamumuhay na di pangmatagalan ang ilan lamang sa mga karaniwang problema ng pagtatrabaho sa abroad.

Kahit pa sinasaning gumaganda ang ekonomiya ang pagtaas diumano ng migration ay nagpapakita lamang na ang mga Pilipino ay desperado at naghahanap kung saan kukuha ng ihahain sa lamesa. Ito mismo ang dahilan upang matugunan ang problemang sosyal na kinahaharap ng mga OFWs.

Dagdag naman ni Ruga na umaasa silang sana matugunan na ng gobyerno ang mga problema ng mga OFWs at sana’y mapasama sa mga proyektong ihahain ng pangulo sa kanyang darating na SONA sa Hulyo 22 kahit pa walang itong nabanggit ng mga nakaraang SONA.

“Wala tayong narinig sa mga dating SONA at baka wala pa rin tayong marinig sa darating na SONA, ani Ruga.”

You May Also Like