GMA matunog na palalayain!

MANILA — Naging maugong ang usapan nitong Martes na malapit nang magdesisyon ang Korte Suprema kung palalayain si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ito ay matapos ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Mayo na nais niyang  bigyan ng pardon si Arroyo.

Noong taong 2012 inakusahan ng kasong plunder si ginang Arroyo sa diumano’y maanumalyang paggastos ng P365 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon naman kay Quezon Rep. Danilo Suarez malapit na kaibigan ni dating pangulong Arroyo, kanyang imumungkahi kay Pangulong Duterte na maging Chairman ng Committee on Economic Affairs o kaya Trade and Industry si Arroyo sakaling tuluyang mapalaya ito. Sa tanong kay Suarez kung malapit na nga na mapalaya si Arroyo, “I’m praying, sana naman,” ani Suarez.

Hindi kaila sa karamihan na itinalaga ni dating pangulong Arroyo ang kasalukuyang  pangulong ng bansa, si Duterte na anti-crime adviser noong nakaupo pa si Arroyo sa Malakanyang bilang pangulo.

13400904_1224065364290744_1823171916_n

Matatandaang naging maingay ang social media sa pangambang tinatrabaho ang paglaya ni Arroyo sa pamamagitan ni Duterte tatlong araw bago ang halalan matapos kumalat ang larawan ni Salvador Panelo pribadong abogado ni Arroyo. Sa naturang larawan makikita si Arroyo na noon ay nagdidiwang ng kanyang kaarawan kasama si Panelo. Si Panelo ang kasalukuyang spokesperson ni Pangulong Duterte. (Clarissa de Leon)

You May Also Like