Globe Telecom, Numero 1 na Ngayon

 

ERNEST CU
ERNEST CU

Ni: Marites Badilla

 

GLOBE Telecom Inc. ang pangunahing kumpanya sa telekomunikasyon sa Pilipinas ngayong taon, ayon sa isang opisyal ng kumpanya.

Sabi ni Ernest Cu, presidente at chief executive officer ng Globe, mahigit 60% na gumagamit ng cellular phone ay hgit na gusto ang Globe kumpara sa ibang produkto.

Ang 60% ay siya ring inabot ng kita ng nasabing kumpanya.

Ani Cu, ang punto sa dami ay hindi iyong dami ng subscriber, kundi ang dami ng mga taong mismong bumili ng mga serbisyong inaalok ng Globe.

Sa datos ng kumpanya, tumaas ng 35 porsyento ang petabytes sa 151 ngayong taon mula sa 112 petabytes nitong nakalipas na taon.

Ang ganitong pag-unlad ay nagbigay ng 46% paglaki ng kita sa nasabing kumpanya sa  P17.8 Bilyon para sa kalahating pa lamang ng taon, kumpara sa P12.1 Bilyon nitong 2015.

Ani Cu, resulta ito ng pagbibigay ng presyong kayang-kaya ng mga customer.

Sigurado si Cu na patuloy na lalakas at darami ang tatangkilik sa mga produkto ng Globe sa mga susunod na buwan at taon.

Sabi nga ni Cu “This affirms our business strategy that continuing enhancement of the Filipino digital lifestyle will enable the company to keep its competitive edge in the data space, allowing us to sustain our growth momentum.”

Ani Cu, nagdagdag ng P35.95 Bilyong capital expenditure para sa ngayong taon upang patuloy na palakasin ang lawak na dapat abutin ng mga produkto ng Globe.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like