Gilas, Muntik nang Mamatay

MUNTIK nang madamay ang Gilas Pilipinas sa naganap na Istanbul Suicide Bombing Attacks sa Istanbul Airport sa Turkey nitong Martes ng gabi.
 
Mabuti na lamang nakaalis ang mga miyembro ng Gilas limang oras bago sumabog ang mga bomba sa tatlong katao sa Istanbul Airport sa Turkey.
Ayon sa ulat, 36 ang namatay at maraming nasugatan saa nasabing insidente.
 
Sabi ni Marc Pingris: “Grabe dito lang kami kanina pauwi ng Manila. Wala pang five hours bago nangyari ito.”
“Lord salamat sa pag gabay sa amin ng team Gilas,” dagdag ni Pingris.
 
“Me and my teammates were just there. Wow. Thank you God for watching over us. I’m really lost for words. I woke up to a lot of texts from friends checking on me. I’m ok. Thanks love ya!” sabi naman ni Andray Blatche.
 
Nakikiramay ang Gilas Pilipinas sa mga biktima. 
Nanalangin din ang grupo para sa mg biktima. (Michael Agustin)

You May Also Like