Gathalian kay Duterte: Paghusayin ang Kampanya Laban sa Kahirapan at Kagutuman

 

 

kahirapanNi: Marites Badilla

 

NANINIWALA si Senador Sherwin na kailangang pagsabayin ng administrasyong Duterte ang laban sa kahirapan, kagutuman, at iligal na droga.

Ani Gatchalian, hindi lang dapat pagtuunan ng atensyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagwasak sa iligal na droga, kundi maging ang kahirapan at kagutuman,sapagkat ang dalawang ito ay pangunahing problema rin ng bansa, kaparis ng iligal na droga.

Ang tindig ng bagitong senador ay kanyang inihayag sa Anti-Hunger Summit na inilunsad sa Ateneo de Manila University nitong Martes.

Layunin ng nasabing pagtitipon ay upang paghusayin ang pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makapagbalangkas ng solusyon laban sa kahirapan at kagutuman.

Ani Gatchalian, ang pagresolba sa kahirapan at  kagutuman ay hindi naman paspasan, ngunit ang mahalaga ay may gagawing kongkretong hakbang ang pamahalaang Duterte laban sa nasabing dalawang mayor na mga suliranin ng bansa, kasabay sa pagsusulong ng kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Ayon sa Global Hunger Index na isinagawa ng International Food Policy Research Institute (IFPRI), higit na mataas ang antas ng kahirapan at kagutuman ng Pilipinas na nasa 20.1% kumpara sa Vietnam na nasa 14.7% lamang nitong nakalipas na taon.

Ang istadistika ng IPRI ay nakabatay sa “undernourishment, child wasting, child mortality, at child stunting.”

Iginiit ni Gatchalian na hindi sapat ang ginagawa ng pamahalaan upang mawakasan ang kahirapan aat kagutuman.

Kailangan pang pag-ibayuhin ng administrasyon ang aksyon nito laban sa nasabing mga suliranin ng bansa, patuloy ng senador.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like