Galvante, Walang Silbi sa LTO

 

EDGARDO GALVANTE: Balitang-balita sa Land Transportation Office (LTO) na tatanggalin na si Edgardo Galvante bilang hepe ng LTO ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Oktubre, sapagkat hindi kayang linisin at wakasanni Galvante ang napakatalamak na katiwalian at korapsyon sa nasabing ahensya.
EDGARDO GALVANTE: Balitang-balita sa Land Transportation Office (LTO) na tatanggalin na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Edgardo Galvante bilang hepe ng LTO sa Oktubre, sapagkat hindi kayang linisin at wakasan ni Galvante ang napakatalamak na katiwalian at korapsyon sa nasabing ahensya.

Ni: Jan Sinocruz

 

BENALEWALA ng hepe ng Land Transportation Office (LTO) na si Edgardo Galvante utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang nasabing ahensya mula sa katiwalian at korapsyon.

Nabatid ng TapatNews.com mula sa mga kawani ng LTO na  nananatili pa rin sa kani-kanilang puwesto ang mga itinalaga ng dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Ang tinutukoy ng mga kawani ang mga direktor ng LTO – NCR, LTO – Region 3, at LTO – Region 4.

Napag-alaman na masayang-masaya ang mga nasabing opisyal, dahil patuloy ang kanilang ‘maliligayang araw’ sa LTO tulad ng naranasan nila nitong nakalipas na administrasyong Aquino.

Hindi malaman ng mga kawani kung ano ang ikinatatakot ni Galvante sa pagsibak sa mga bataan ni Aquino.

Sa mahigit na tatlong buwang pagiging hepe ng LTO, wala pang nagagawa si Galvante na anumang proyekto na maglilinis at magpapabago sa katiwalian at korapsyon sa LTO.

Matatandaang tinumbok ni Duterte na isa sa mga pinakorap na ahensya ng gobyerno ang LTO.

Pero, hanggang sa kasalukuyan ay wala ring matukoy at mapangalanan si Galvante sa mga opisyal at empleyado ng LTO na siyang ‘namamalakad’ ng katiwalian at korapsyon sa nasabing ahensya.

Nabatid din ng TapatNews.com na natatakot humarap si Galvante sa media kahit ilang ulit nilang subukang kausapin.

Samantala isang alyas ‘Pangan’ na empleyado umano ng LTO ang tumatanggap ng P30,000 kada buwan mula sa PPP Bus Liner.

Inaalam ng TapatNews.com kung sino si alyas Pangan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like