Galit sa ‘Death Bills’

Apat na pro-life party list, buhay na buhay

partylist

 

Buhay
party list #135

Maka-Diyos, maka-tao, maka-kalikasan at maka-bayan. Habang tumatagal, tumitindi ang hamon na itaguyod ang mga nasabing mga prinsipyo at isa ang Buhay party list sa mga naglalakas-loob na gawin ito mula pa noong mainit na debatehan para sa RH Bill sa Kamara. Top 1 party list noong halalan ng 2007 ang Buhay party list, kung saan may 1,169, 338 na Pilipinong pumili dito. Inaasahang mahihigitan ng naturang party list ang huling pagkapanalo nito noong 2010, kung saan mahigit 1.2 milyong Pilipino ang bumoto dito.

Sa mid-term elections nitong Mayo 13, sina Mariano Michael Velarde Jr., Jose L. Atienza Jr., Irwin C. Tieng, Francisco Xavier S. Padilla, Dr. Edgardo M. Capulong, at Dr. Primitivo D. Chua ang mga nakatalagang representante ng grupo na kung papalarin ay makapapanalo ng hanggang 6 na puwang sa Kongreso.

Ang Prolife
party list #42

“Lahat ng nilalang ng Diyos ay may karapatang mabuhay sa ating lipunan” – ito ang nais panghawakan ng Ang Prolife party list, na sa unang pagkakataon ay sasabak sa darating na halalan.

Ang paniniwala ng grupo ay ang matatag na lipunan at ekonomiya ay nakasalalay sa matatag na pamilya at respeto sa buhay. Ang unti-unting paggiba ng pamilya ay ramdam sa ekonomiya, sa pulitika at sa pangkalahatang lipunan dahil ang pamilya ang hiblang bumibigkis sa isang bansa, ani Atty. Jeremy Gatdula, isa sa mga kinatawan.

Ang mga representante ng party list ay sina Atty. James Imbong, Atty. Jeremy Gatdula, Lorna Melegrito, Lareina Lea Manalang-Garcia, at Edgardo Tirona.

Una Ang Pamilya
party list #87

“Kaisa at Katuwang ng Pamilyang Pilipino” ito ang motto ng Una Ang Pamilya party list, isa din sa mga grupong mariing tinutulan ang RH Bill sa Kamara.

Dahil dumarami ang atake sa tradisyunal na pamilyang Pilipino, ang Una Ang Pamilya party list ay naninindigang bigyan ng boses ang pinakapangunahing institusyon ng bansa — ang pamilya– sa pamamagitan ng pag tutok sa cooperatives development, agrarian reform, women and gender equality, rural development, poverty alleviation, health at family relations, national defense at security.

Ang mga nominee ng nasabing party list ay sina Romeo C. Prestoza, Atty. Baltazar C. Asadon, Reena Concepcion G. Obillo, Bienvenido L. Geronimo at si Virgilio M. Rosete.

Pacyaw
party list #100

Bukod sa pangangalaga sa buhay, may partikular na plataporma ang Pilipino Association for the Country-Urban Poor Youth Advancement and Welfare (PACYAW) para sa kabataang mahihirap. Itinatag noong 2010, nais palawigin ng grupo ang mga oportunidad ng mga kabataang Pilipino na makapag-aral at makapaghanap-buhay, na kung tutuusin ay karapatan ng bawat nilalang.

Ang mga representante ng PACYAW ay sina Rene M. Velarde, Wilfrido Buyson Villarama, Dr. Antonio Godinez Calanoc, Maria Jocelyn Barles at Perla Z. Biron.

 

You May Also Like