FROM LEYTE WITH LOVE: A POLITICAL BREAKDOWN OF WHAT MAKES A MARTIN ROMUALDEZ (PART 4)

Nang matanong sa isang forum para sa mga kumakandidatong senador na kanyang dinaluhan kung ano ba talaga ang nag-udyok sa kanya upang tumakbo, walang patumpik-tumpik na sinagot agad ni Martin Romualdez ang katanungan at sinabing ang nasaksihan niyang pagkasira ng Leyte at pagkalugmok ng mga kapwa niya Leyteño matapos ang bagong Yolanda noong 2013 ang naging dahilan para siya’y tumakbo. Kaya naman kapansin-pansing ilan sa mga panukalang batas niya ay pumapatungkol sa kung paano pa mas mapapabuti ang disaster response preparedness mayroon ang ating gobyerno upang hindi na maulit pa sa iba pang parte ng bansa ang napakalaking dagok na dinanas ng Leyte halos tatlong taon na ang nakalipas.

YOLANDA YEARS AFTER

House Bill 3640
Sa ilalim ng panukalang batas na ito ay magtatatag ng isang Special Economic Zone sa Tacloban na siyang magtataguyod ng isang Special Economic Zone Authority na sisiguruhing maipagpapatuloy ang pagpapanumbalik ng nasirang ekonomiya ng Tacloban matapos ang Yolanda.

House Bill 3447
Magbibigay ang panukalang batas na ito ng tax incentives para sa pagtulong sa rehabilitasyon ng mga nasalantang komunidad sa Tacloban.

House Bill 3361
Nakasaad ditong maglalaan ng 25 bilyong piso para sa rehabilitasyon ng kabuhayan at imprastruktura sa Tacloban upang tulungang makabangon muli ang mga Leyteñong pinerwisyo ni Yolanda.

House Bill 3486
Layunin ng panukalang batas na ito na makapagtaguyod ng isang panibagong kagawaran na tatawaging Department ofDisaster Preparedness and Emergency Management. May mga nagsabing pinupulitika lamang niya ang nangyari sa Leyte. May mga umusig at nagsabing huwag na niyang gamitin ang dinanas ng Leyte kay Yolanda para sa pagtakbo niya. Maraming hindi naniwala. Pero sa huli, tayo pa rin ang huhusga kung karapat-dapat bang iluklok sa pwesto si Martin Romualdez. Sa huli, tayo pa rin ang magdedesisyon para sa ating mga sarili. Sa kabila ng maraming mga panukalang batas, naipasang batas, mga proyektong isinagawa, at mga platapormang inilahad, nasa atin pa rin ang huling salita. Dahil sa huli, nasa atin pa rin ang kapangyarihang ilagay sa pwesto siMartin Romualdez kung talagang tayo’y naniniwalang siya na ang katuparan ng gobyernong
mapagmalasakit na siyang nais niya. (Carizza Ibañez)

You May Also Like