FROM LEYTE WITH LOVE: A POLITICAL BREAKDOWN OF WHAT MAKES A MARTIN ROMUALDEZ (PART 3)

Sa loob ng tatlong termino niya bilang kongresista ng unang distrito ng Leyte, marami-rami na rin ang naiambag na mga panukalang batas si Martin Romualdez. Kahit pa ang ilan sa mga sumusunod na mga panukalang batas ay nakabinbin pa at naghihintay pang maaprubahan, marapat lamang na malaman natin kung paanong nais ni Martin maiangat ang estado ng kalagayan ng mga Pilipino sa bawat aspeto ng kanilang buhay na siya namang pangunahing layunin ng gobyernong may malasakit na nais niyang makamit.

EDUKASYON

House Bill 3133
Layunin ng panukalang batas na ito na atasan ang mga pribadong kolehiyo at unibersidad na magkaloob ng mga scholarship sa 20% ng kabuuang populasyon ng kanilang mga estudyante, lalo sa mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral na papasok ng kolehiyo galing sa mga pampublikong paaralan at mga anak ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

KALUSUGAN

House Bill 1225
Sakaling maaprubahan, ang panukalang batas na ito ay naglalayong makapagtatag ng isang Philippine National Cancer Center.

House Bill 3088
Ang panukalang batas na ito ay may layuning itaguyod at suportahan ang breastfeeding bilang isang mahalagang salik para sa masusing family planning at makatutulong sa paghahanda sa pagiging mga responsableng magulang.

House Bill 3537
Nais ng panukalang ito na makapagtaguyod ng mga komprehensibong programa para sa mga tamang gawi ukol sa breastfeeding sa bansa.

House Bill 5365
Hangad naman ng panukalang batas na ito na ang pagkakabuo ng isang Magna Carta of Barangay Nutriotion Scholars.

PABAHAY

House Bill 0384
Ang panukalang batas na ito ay may layuning makalikha ng isang panibagong kagawaran na tatawaging Department of Housing, Planning, and Urban Development na may kakayahang gawing mas modernisado ang sistemang pabahay ng pamahalaan.

KABUHAYAN

House Bill 1113
Layunin ng H.B. 1113 na palawigin pa ang mga itatayong micro-business enterprises (MBEs) na makakapagbigay ng insentibo sa mga magiging benepisyaryo nito. Layunin din ng panukalang ito na amyendahan ang Republic Act No. 9178 o mas kilala bilang Barangay Micro-Business Enterprises Act of 2002.

House Bill 4688
Ito ay nagnanais na pamunuan ang pagbuo ng at pagbibigay-kapangyarihan sa mga micro-enterprise development institutions.

TRABAHO

House Bill 6144
Isang panukalang batas na naglalayong bumuo ng mga Regulatory Policies para sa mga trabahong itinuturing na “domestic work” na magsisigurong may mga susunding pamantayan at guidelines upang matiyak ang maibibigay na proteksyon sa mga “domestic workers.”

House Bill 0230
Kung maisasabatas, ang H.B. 0230 ay magkakaloob ng libreng pagpapaospital at iba pang medical na benepisyo mula sa mga ospital na hawak ng gobyerno sa lahat ng mga retiraond guro galing sa mga pampublikong paaralan na nagserbisyo sa lob ng 20 taon at higit pa.

House Bill 0028
Ang H.B. 0028 ay magbibigay ng Security of Tenure sa mga empleyado ng gobyerno na in-appoint o kontraktwal na nagsilbi sa loob ng sampung taon o higit pa.

House Bill 2081
Nasasaad sa panukalang batas na ito na bibigyang direktiba ang Committee on Banks and Financial Intermediaries na magsagawa ng kahit anong pagsisiyasat tungkol sa mga nangyayaring pandaraya diumano ng mga collecting agencies sa paniningil ng utang mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

KALIKASAN

House Bill 1182
Sakaling maging batas, ang H.B. 1182 ay mag-oobliga sa mga mamamayan na gumamit ng energy-efficient na lighting products at ang mga lalabag dito ay mapapatawan ng kaukulang parusa.

House Bill 5736
Layunin ng panukalang batas na ito ang pagtataguyod ng isang National Environmental Management Authority na ahensyang magiging katuwang ng Department of Environment and Natural Resources sa pagbabantay ng mga likas-yaman ng bansa. (Carizza Ibañez)

You May Also Like