From Leyte with Love: A POLITICAL BREAKDOWN OF WHAT MAKES A MARTIN ROMUALDEZ (Part 1)

Sa napakaraming tumatakbo sa pagka-senador ngayong halalan, hindi natin masisiguro kung ilan nga ba sa kanila ang talagang taos-puso ang pagnanais na paglingkuran ang humigit-kumulang isang daang milyong Pilipino sa bansa. Hindi natin alam kung sinu-sino ba sa limampung indibidwal na naghahangad maging senador ang bukal sa kalooban ang mithiing pagsilbihan ang bawat isang mamamayan ng Pilipinas? Hindi natin paniguradong matutukoy kung ilan ba sa kanila ang kayang panindigan ang mga platapormang kanilang ipinangako noong sila’y nangangampanya pa lamang. Marahil ay iilan lamang. Maaaring bilang lamang sa daliri ang tutupad sa pangako nila. Maaaring iilan lamang ang mananatiling tapat sa kanilang pwesto hanggang sa susunod na eleksyon. Nguni’t sa iilan na ‘yon, walang dudang kabilang si Martin Romualdez doon.

Ipinanganak noong November 14, 1963 sa Manila, Si Ferdinand Martin Gomez Romualdez ang kasalukuyang kinatawan sa Kongreso ng unang distrito ng Leyte. Pangatlo sa apat na magkakapatid, anak si Martin ng dating gobernador ng Leyte na si Benjamin “Kokoy” Romualdez—nakababatang kapatid ni dating unang ginang at ngayo’y kinatawan ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte na si Imelda Marcos—at Juliette Gomez-Romualdez. Mayroong apat na anak si Martin—sina Andrew, Marty, Minxie, at Maddey—sa asawa nitong si dating beauty queen Yedda Marie M. Kittiltsvedt, na noo’y kinoronahan bilang Binibining Pilipinas-International 1996.

Nagtapos si Martin sa kursong Bachelor of Arts in Government sa Cornell University noong 1985. Matapos nito’y nagtamo siya ng Certificate of Special Studies in Administration and Management mula sa Harvard University taong 1988. Kalauna’y nagbalik siya sa Pilipinas upang kunin ang kanyang Bachelor of Laws degree mula sa University of the Philippines-Diliman.
Bago manilbihan sa gobyerno at pumasok sa mundo ng pulitika, nanungkulan si Martin taong 1995 bilang direktor at legal counsel para sa CARPA Realty Development Corporation, at bilang trustee ng Remedios Trinidad Romualdez Medical Foundation. Siya rin ay trustee at president ng Doña Remedios Trinidad Romualdez Medical at Dr. Vicente Orestes Romualdez Educational Foundation. Nananatiling hawak ni Romualdez ang mga posisyon niya sa mga institusyong ito sa panahong kasalukuyan.

Bukod sa mga nabanggit, nakipagsapalaran din si Martin sa larangan ng banking and finance bilang Chairman of the Board ng Equitable PCI Bank, at Director ng ilang bigating kumpanya kagaya ng Philippine Commercial International Bank, Equitable Card Network, EBC Investments, Inc., Equitable Savings Bank, PCI Leasing Corporation, at PCI Capital Corporation.

Sa loob ng halos pitong dekada at ilang henerasyon ng mga Romualdez na nanirahan at nanilbihan sa Leyte, naging balwarte na ng mga ito ang probinsiya. At para sa mga mga magagandang nasimulan ng kanyang amang si Kokoy at ng kanyang mga kinanununuan, nais ipagpatuloy ni Martin ang mga inumpisahang adhikain ng mga ito.

Nakatuon sa pagpapalaganap ng bukas-loob na serbisyo-publikong naging pagkakakilanlan ng mga Romualdez, nagpasinaya si Martin ng mga grassroots-focused projects upang mapabuti ang kalagayan ng kanyang mga nasasakupan. Dahil hindi lingid sa loob niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng maayos ng imprastruktura, ipinaglaban at siniguro ni Martin na mapapaigting ang pondong nakalaan para pagpapatayo at rehabilitasyon ng mga daan, tulay, paaralan, at mga pasilidad na gagamitin para sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyong labis na kailangan ng mga Leyteñong nasa mga liblib at tagong lugar. Aktibo rin si Martin sa mga charity works, kagaya ng mga medical at legal clinics.

Matapos hagupitin ni Supertyphoon Yolanda ang Leyte noong 2013, dinoble ni Martin ang pagtulong sa libu-libong kapwa niyang mga Leyteñong sinalanta ng bagyo. Sa mga panahong pinakalugmok ang mga mamamayan ng Leyte, andiyan si Martin upang walang sawang magpaabot ng tulong sa abot ng kaniyang makakaya. Mas pinaigting niya ang kanyang mga charity works upang mas mapabilis ang rehabilitasyon at pagtatayong muli ng mga nasirang kabahayan at kabuhayan sa kanyang distrito. Ilan lamang ito sa mga proyekto ni Martin upang mapanumbalik ang dating Leyte bago ito sirain ni Yolanda.

Layon din ni Martin na maiangat ang kalagayan ng mga kababayan nating may kapansanan o “persons with disabilities (PWDs)” at isa sa mga pagsisikap na kanyang ginagawa upang makamit ito ay ang pagkakaloob ng mga wheel chair katuwang ang Children’s International, Inc. sa mga kapus-palad na indibidwal at mga biktima ng bagyong mayroong polio at iba pang karamdaman alinsunod sa nangyaring pananalanta ng bagyong Yolanda.

Ilan pa lamang ‘yan sa mga nagawa ni Martin para sa kanyang distrito at marami pa siyang magagawa at kayang gawin na hinahangad niyang hindi lamang ng mga kababayan niyang Leyteño, nguni’t ng bawat isang Pilipino. (Carizza Ibañez)

You May Also Like