FREE POW!

yenSAMU’T sari ang mga naging reaksyon tungkol kay Andrea Rosal, isang prisoners-of-war (POW) at anak ng dating CPP-NPA Spokesperson na si Gregorio ‘’Ka Roger’’ Rosal.

Si Andrea na isang diumano’y ‘suspected Communist leader’ ay nahuli nitong March 27 sa may Kalookan. Kinasuhan si Andrea ng kidnapping at murder na kanya namang itinanggi at walang matibay na ebidensya laban sa kanya.

Sa kabila ng pagiging buntis, si Andrea ay ipiniit sa bilangguan na hindi sapat ang mga kagamitan para sa kanyang kalagayan.
At nitong Mayo 16, siya ay nanganak at pinangalanang Baby Diona Andrea ang sanggol, ngunit pagkalipas ng dalawang araw, ang sanggol ay namatay sanhi diumano ng oxygen deficiency sa dugo. Ang pagkamatay ng sanggol ay dahil sa mabagal na pag-aksyon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) tungkol sa masamang kalagayan ng mag-ina, maraming papeles pa ang hinihingi bago ito madala sa ospital.

Ano bang klaseng sistema ito?

Ang mas nakalulungkot pa niyan, hindi pinahintulutan si Andrea na maihatid sa huling hantungan ang kanyang anak. Hanggang lamay lamang ito pinayagan ng Taguig Regional Trial Court.

Hindi pa naman convicted si Andrea pero bakit ganito? Samantalang ang mga napatunayang nanloko sa bansa at nanlustay ng kaban ng bayan tulad ni GMA at Napoles ay mayroong VIP treatment?

Bakit kailangan may sanggol pa na mawalan ng buhay dahil sa kapabayaan ng iilan?

Kahit pa sabihing POW si Andrea, mayroon tayong pantay-pantay na karapatang pantao, lalong-lalo na sa mata ng Diyos.

Sa mga gustong makiramay, ito po ang nakuha nating iskedyul para kay Baby Diona Andrea. May she have rest in peace!

  • May 20-21 – wake of Baby Diona Andrea, Iglesia Filipina Independiente (IFI) in Taft Avenue Cathedral, Pedro Gil, Manila
  • May 21 – program for Baby Diona Andrea at IFI
  • May 22, 6 a.m. – Rosal Family members and supporters to travel to Ibaan, Batangas for burial

(re4teraker@hotmail.com)

You May Also Like