Exercise: mga mabuting dulot sa mga nagpupursigi

OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Kahit saan ka lumingon ngayon, mayroon kang makikitang poster ng mga “fun-run” tapos nagkalat din ang mga “milk tea stores” na kung saan mayroong binebentang tsaa na may sago. Marami pang iba-ibang nagsusulputang panibagong paraan para magkaroon ng magandang kalusugan ang mga Pilipino ngayon, pero syempre, hindi naman natin puwedeng makalimutan ang pag-e-ehersisyo.

Bakit nga ba kailangan natin magehersisyo? Dalawang bagay: osteoporosis at cholesterol.

Nakatutulong ang exercise sa pagiging malusog ng ating katawan, sa mga paraan na napapalakas nito ang mga buto para maiwasan ang osteoporosis. Nakakatulong rin ito sa pagbawas ng bad cholesterol sa katawan na nagiging sanhi ng high blood pressure at atake sa puso.

Mas malusog, mas malakas

Ito ang mga sagot ng mga tinanong naming kung ano ang nagagawa ng exercise para sa kanila: sabi ni Ron Araneta, isang opisyal sa Philippine Navy, malaki ang naitutulong nito sa kanyang kalusugan at postura o posture.

“Siyempre, nakakapayat siya at naniniwala ako na mas healthy pag nag-e-exercise.”

Sabi naman ng isang mixed martial artist na si Kelvin Mateo, nakatutulong ang ehersisyo sa energy level niya araw-araw.
“Mas nagkakaroon ako ng lakas at mas marami akong nagagawa pang araw-araw.”

Natural na stress reliever

Ilan pa sa mga nakausap nami na mga regular na nageehersisyo tulad nila Nigel Maranan, Cyrian Agujo at Raymond Go ay nagsabi na nakatutulong ang pag-e-ehersisyo sa pagkakaroon ng mas mabuting pakiramdam at nakababawas ng stress. Nabanggit rin nila na nakatutulong daw ito sa focus at disiplina.

Si Michael Reyes naman ay isang player ng mixed martial art na Jiu Jitsu. Nagpupursigi siyang mag-exercise dahil lalo siyang naging kumpiyansa sa sarili niya at mas nagkaroon siya ng magandang takbo ng pangangatawan at kalusugan.

“Mas naging malakas ang loob ko, mas kumakain na ako ng tama at meron na akong nilalaan na oras para sa pagpapahinga, ” paliwanag niya.

Ngayon, dalawang buwan na siyang patuloy sa pag-exercise at malaki ang itinulong nito sa kanya. Sa pisikal na kalusugan pa lamang, mas bumababa na ang cholesterol level niya. Mas maganda na rin ang katawan niya matapos makapagbawas ng 9 pounds, kaya’t mas nalapit ito sa kanyang ideal body weight.

Ilan lamang sila sa marami pang ibang natulungan ng pag-e-ehersisyo. Dagdag na lakas, mabuting pakiramdam at proteksyon laban sa sakit, bawas sa stress at taba sa katawan! May mas mahalaga pa bang dahilan para hindi mag-exercise?

You May Also Like