Ex-LWUA chief, nadiin sa 150 kasong korapsiyon

32 iba pa, sabit din sa korapsiyon

NAPAKATIBAY ng ebidensiya ng Office of the Ombudsman sa 150 kasong korapsiyon laban sa dating administrador ng  Local Water Utilities Administrations (LWUA) na si Lorenzo Jamora.

Batay sa mga ebidensiyang nakalap ng Office of the Ombudsman, nilabag ni Jamora ang Section 3 (e) ng Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), kaya kakasuhan siya ng malversation of public funds through falsification of public documents sa Sandiganbayan.

Kasama ring kakasuhan sa Sandigan bayan ang mga sumusunod na kasamahan noon ni Jamorasa LWUA:

  1. Aurora Raymundo-Arnaez (15 bilang ng Malversation and Graft);
  2. Leonard Matti (15 bilang ng Malversation and Graft);
  3. Francisco Dumpit (7 bilang ng Malversation and Graft);
  4. Eduardo Bangayan (11 bilang ng Malversation and Graft);
  5. Daniel Landingin (101 bilang);
  6. Emmanuel Malicdem (74);
  7. Lilian Asprer (54);
  8. Wilfredo Feleo (41);
  9. Jesus Copuyoc (12);
  10. Edelwina Parungao (11);
  11. Manalo Kagahastian (12 bilang ng parehong kaso);
  12. Manuel Yoingco (13)
  13. Alfredo Espino (12);
  14. Rebecca Barbo (11);
  15. Armando Fernandez (12);
  16. Edwin Ruiz (12);
  17. Bernardito de Jesus (13);
  18. Antonio Magtibay (13);
  19. Enrique Gita (12);
  20. Avelino Castillo (20);
  21. Lourdes Perele (43);
  22. Mario Quitorio (10);
  23. Eleonora de Jesus (63);
  24. Hermilo Balucan (9);
  25. Edison Cuenca (1kaso lang);
  26. Venus Pozon (14);
  27. Julian Tajolosa (13);
  28. Primo Lomibao (230 bilang ng parehong kaso);
  29. Arnaldo Espina (12);
  30. Almer Zerrudo (12);
  31. Leopoldo Palad (263 bilang);
  32. at Julia Corpuz (36 bilang ng parehong kaso).

Ayon sa Office of the Ombudsman, napakalinaw ng lumabas sa masusing pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA) nasobra-sobra ang reimbursment ng mga dating opisyal ng LWUA sa pangunguna ni Jamora.

Ang kabuuang halaga na nakuha, ayon sa COA, ay P12,879,337.77.

Nadiskubre ng COA na suportado lamang ng pro forma certificates ang mga nakuhang reimbursement, sa halip na mga opisyal na resibo at dokumento.

Noong 2009, nag-isyuang COA ng Notice of Disallowance na nagsasaad na ang reimbursment ng nasabing LWUA executives ay nagkakahalaga ng P230,000.00 hanggang P986.356 bawat isa.

Idiniin ni Morales na, “by attesting that the funds were spent on meeting, seminars and conferences, official entertainment, and public relations, when in truth and in fact, there were no receipts and other supporting documents to prove such expenses, respondents made untruthful statements on a public document to facilitate the misappropriation of public funds.”

“[The] respondents acted with evident bad faith and/or gross inexcusable negligence when they caused and/or participated in the illegal release of funds,” saad ng resolusyon ng Office of the Ombudsman.

Nahaharap din ang mganasabing dating opisyal ng hiwalay na kasong administratibo tulad ng “guilty sa dishonesty, grave misconduct and falsification of official documents.”

Kasama rin sa parusang ipinataw sa mga opisyal na kakasuhan ng korapsiyon sa Sandiganbayan ang pagkasibak nila sa puwesto at pagbabawal na humawak ng anu mang puwesto sa pamahalaan at pagkawala ng kanilang mga benepisyo sa kanilang pagreretiro.

Ang panibagong desisyong ito ng Office of the Ombudsman sa pamumuno ni Conchita Carpio Morales ay nagbibigay ng malaking pag-asa sa higit 100 milyong Pilipino na posibleng makulong ang mga opisyal ng pamahalaan na gumawa ng krimen at kasamaan habang nasa kapangyarihan. (Joel Operario)

You May Also Like