Erap, Iniyabang ang Kanyang Anti-drug Campaign

NAGYAYABANG: Ibinida ni Mayor Joseph "Erap" Estrada na mayroong nagawa ang kanyang administrasyon laban sa droga nitong nakalipas na dalawang taon sa Maynila, ngunit ang talaan ng Manila Police District (MPD) ay 'nagsasabing' napakanipis ng nagawa ng administrasyon kung mayroon man. Ang totoo ay palpak si Estrada pagdating sa kampanya laban sa droga. (Jay-Ar Son)
NAGYAYABANG: Ibinida ni Mayor Joseph “Erap” Estrada na mayroong nagawa ang kanyang administrasyon laban sa droga nitong nakalipas na dalawang taon sa Maynila, ngunit ang talaan ng Manila Police District (MPD) ay ‘nagsasabing’ napakanipis ng nagawa ng administrasyon kung mayroon man. Ang totoo ay palpak si Estrada pagdating sa kampanya laban sa droga. (Jay-Ar Son)

IPINAGYABANG ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang mga nagawa niya laban sa droga nitong nakalipas na dalawang taon.

 
Idiniin ni Estrada na ang kanyang administrasyon at ang Manila Police District (MPD)  ay dalawang taon nang mahigpit na nilalabanan ang droga.
 
Ngunit, lumilitaw sa rekord ng MPD at sa anti-drug unit ng Sangguniang Panglunsod na pinamunuan ni dating Bise-Alkalde Isko Moreno na palpak ang nasabing kampanya.
 
Nananatili ang mga drug pusher at durugista sa Maynila.
 
Isang pulis na drug trafficker na residente ng Maynila ang nadakip ng tropa ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Hunyo.
 
Ang supplier ng shabu ng nasabing pulis na ang ranggo ay police officer 2 at nakadestino sa anti-drug unit ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Philippine National Police (PNP) ay isa sa 19 na drug kingpin na nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP), ayon sa hepe ng NBI-NCR na si Atty. Max Salvador.
 
Tropa naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nakahuli kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at Intsik na Yan Yi Shou sa isang drug buy-bust operation sa Maynila.
 
Ang pahayag ni Estrada ay may kinalaman sa seryosong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga.
Propellerads
Ayon kay Estrada, magtatayo ang kanyang administrasyon ng maraming rehabilation center dahil inaasahang maraming susukong drug pusher at durugista sa Maynila.
 
Idiniin niya na isa ito sa kanyang mga plano.
 
Inuuna lamang, aniya, ang iba pang proyekto para sa mahihirap.
 
Hindi binanggit ni Estrada kung anu-ano ang mga nasabing proyekto.
Kamakailan, inanunsiyo ni Estrada na naglaan ang  kanyang administrasyon ng P50 milyong pondo para sa ‘nutriban project’ nito sa mga mag-aaral ng pampublikong paaralan sa lungsod. (Tapat News Team)

You May Also Like