Erap, Gaya-gaya kay Digong

PATAY KA! Makikita sa litrato kung ano ang mangyayari sa mga drug dealer kung magbalak silang bumunot ng baril at lumaban sa mga pulis sa gitna ng buy-bust operation. Gusto ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada na mawala ang lahat ng drug dealer at adik sa Maynila, upang malinis na ang Maynila, ang kabisera ng Republika ng Pilipinas. (Jar-Ar Son)
PATAY KA! Makikita sa litrato kung ano ang mangyayari sa mga drug dealer kung magbalak silang bumunot ng baril at lumaban sa mga pulis sa gitna ng buy-bust operation. Gusto ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na mawala ang lahat ng drug dealer at adik sa Maynila, upang malinis na ang Maynila, ang kabisera ng Republika ng Pilipinas. (Jar-Ar Son)

“Anuman ang kailangan ninyo—mga baril, gamit, sasakyan–kahit ano, ibibigay ko. I will provide you. I will give all the tools you need. Basta all out at tanggalin n’yo ang droga sa Manila.”

Ito ang idiniin ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada kay Manila Police District (MPD) district director, Senior Supt. Joel Colonel, sa pag-arangkada ng mga pulis-Maynila laban sa mga drug dealer at drug pusher ng lungsod.

Ang mensahe ni Estrada ay kaparehas ng direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa opisyal at kasapian ng buong Philippine National Police (PNP).

Sabi pa nga dati ni Duterte na ipagtatanggol niya ang mga pulis na makapapatay ng 1,000 drug dealers, basta ang pagpatay ay resulta ng pagsugpo ng mga kriminal sa bansa.

Ayon kay Colonel, 82 ang hahantingin nilang drug dealers.

Tatlo dito ay nasa “level 3.”

Kapag sinabing level 3, nasa 2 kilo ang methamphetamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na “shabu” na ibinebenta ng isang drug dealer.

Sabi ni Colonel, ang tatlo ay mga Filipino-Chinese.

 

 

Hindi naman inilinaw ni Colonel kung kaasama sa 82 ang 10 barangay captains na drug dealer ang ilan at drug pusher  ang iba.

Si Estrada ay tila naobligang maging agresibo sa kampanya laban sa droga ngayon sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ng kabisera ng Pilipinas.

Hindi katulad noong unang tatlong taon ni Estrada kung saan palpak ang kampanya ng MPD laban sa drug dealers at drug pushers. (Tapat News Team)

You May Also Like