Election Task Force na isinagawa ng DepEd sa darating na halalan 2013

Kamakailan lang ay nagsagawa ang Department of Education ng Election Task Force (ETF) Opeartion Center sa lugar ng Pasig upang suportahn ang mga guro na magsisilbi bilang Board of Election Inspectors ngayong 2013 National and Loal Elections.

Sisiguraduhin ng ETF na magkakaroon ng tamang impormasyon ang mga guro ukol sa technical at legal assistance bilang meyembro ng BEIs. Prinsipals, superbisor, school division\city superintendent at iba pang empleyado ng DepEd ay kasama sa pinoproteksyunan sa darting na May13,2013 eleksyon.

Ayon kay Education Secretary Luistro “karapat-dapat na bigyan ng suporta ang mga empleyado ng DepEd upang maisagawa ng tapat at malayang eleksyon ang halalan”.

Ang EFT 2013 Operation Center ay isasagawa sa DepEd Bulwagan ng Karunungan, 1:00pm ng hapon ng Mayo 12 hanggang 12:00pm ng Mayo14.

Gayunpaman pinaalalahanan ni Luistro ang mga empleyado ng DepEd na panatilihing walang pinapanigan at hindi maaaring mamagitna direkta o hndi direkta sa anumang election campaign at kung ano mang panig ng political activity maliban sa pagboto.

Ang EFT ay maghahain sa DepEd’s link para sa volunteer organization, partner agencies at individuals involved sa darating na May polls. [Ronalyn Frial]

You May Also Like