E-Games ng Leisure and Resort World, Ipinatigil ng PAGCOR

 

Ni: Marites Badilla

 

IPINATIGIL ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang dalawang kumpanya ng electronic gaming at electronic bingo ng Leisure and Resorts World Corp. (LRWC) dahil linabag nito ang alituntunin sa industriya.

Ang pinahinto ay ang AB Leisure Exponent Inc. (ABLE) at Total Gamezone Xtreme Inc. (TGXI) na pag-aari at pinamamahalaan ng LRWC, na ayon sa PAGCOR, ay lumabag sa Seksiyon 2 ng ikatlong regulasyon ng Gaming Site Regulatory Manual.

Nakasaad sa Seksiyon 2 na ang lahat ng puwesto ng e-gamlrwces ay dapat 200 metro ang layo sa paaralan at simbahan.

Ayon sa LRWC, 36 electronic bingo at 17 puwesto ng electronic games ang tinamaan sa desisyon ng PAGCOR.

Ipinarating ng apektadong kumpanya na aabot sa P477 Milyon ang kabuuang kita at P56.2 Milyon netong kita ang parehong mawawala sa natitirang mga buwan ng taon.

Ang naestimang halaga ay batay sa kinita ng dalawang kumpanya sa nakalipas na pitong buwan.

Nangangahulugan ding malaking halaga ang mababawas sa kita ng pamahalaan sa usapin ng buwis.

Noong una, pinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang e-games kahit pa may ambag ang negosyong ito sa kabang yaman ng pamahalaan, sapagkat naniniwala ang Pangulo na ang e-games ay porma ng sugal o bisyo na nakasisira sa kabataan.

Ngunit kamakailan, pumayag si Duterte na payagang magpatuloy  ang e-games sa kondisyong magbabayad ang mga kumpanyang pasok sa negosyong ito ng tamang buwis at tutupdin ang mga alituntuning itinakda ng batas sa pagnenegosyo ng e-games.

Samantala, nabatid ng Tapatnews.com na hihilingin ng LRWC sa PAGCOR na baguhin ang desisyon nito upang muling buksan ang ABLE at TGXI.

Hindi sinabi ng LRWC kung anu-ano ang dahilan nito upang bawiin ng PAGCOR ang desisyon nito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like