Duterte, Sinalo si Marcos kahit Protektor ng Sindikato ng Droga

 

PROTECTOR?: No less than Pres. Rodrigo Duterte who accused Supt. Marvin Marcos of being protector of a drug syndicate in Eastern Visayas. But, Duterte ordered his reinstatement as CIDG - 8 chief.
PROTECTOR?: No less than Pres. Rodrigo Duterte who accused Supt. Marvin Marcos of being protector of a drug syndicate in Eastern Visayas. But, Duterte ordered his reinstatement as CIDG – 8 chief.

By: Denz Laguipo

 

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nag-utos kay Director General Ronald dela Rosa na ibalik si Supt. Marvin Marcos sa kanyang posisyon sa Criminal Investigation and Detection Group – 8 (CIDG – 8).

Ang pag-aming ito ay pagwasak sa akusasyon ni Senadora Leila de Lima na si Christopher “Bong” Go ang tumawag at humiling kay Dela Rosa na ibalik si Marcos sa CIDG – 8.

Si Go ay mahigit 20- taon nang ‘alalay’ ni Duterte.

Matatandaang ‘pinalundag’ ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) ang publiko nang inanunsyo niyang isang “kumpare” sa Malakanyang ang humiling na ibalik si Marcos sa CIDG – 8.

Ngunit, hindi pinangalanan ni Dela Rosa ang sinasabing kumpare.

Si Duterte at Dela Rosa ay matagal nang magkumpare at nagkasama sa Davao City.

Si Duterte ay naging alkalde ng Davao City, samantalang si Dela Rosa ay naging hepe ng PNP sa nasabing lungsod.

Sabi ni Duterte sa media, inutusan niya si Go na tawagan sa telepono si Dela Rosa na tamang-tama namang biglang sumagot ang heneral, kaya sinabihan niya mismo si Dela Rosa na ibalik na sa CIDG – 8 si Marcos.

Idiniin ni Duterte na sa ipinagawa niyang imbestigasyon ay lumitaw na positibong protektor ng sindikato ng droga sa Easter Visayas si Marcos.

Ngunit, si Chief Supt. Asher Dolina, hepe ng PNP sa Eastern Visayas, ay hindi sangkot sa iligal na droga, tugon ni Duterte.

EXPOSE: Self-proclamed drug lord Rolan "Kerwin" Espinosa exposed Supt. Marvin Mascos link in drug syndicate during the recently held Senate hearing on the controversial slaying of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
EXPOSE: Self-proclaimed drug lord Rolan “Kerwin” Espinosa exposed Supt. Marvin Mascos link in drug syndicate during the recently held Senate hearing on the controversial slaying of Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. Espinosa’s drug syndicate operates in Eastern Visayas composed of Leyte, Biliran, and Samar.

Si Rolan “Kerwin” Espinosa ang pangunahing drug lord sa Eastern Visayas.

Aniya, 2004 pa siya nagsimula.

Nakaladkad ang pangalan ni Marcos, hepe ng CIDG – 8, nang pangunahan nito mismo ang paghahain ng search warrant sa bilangguan sa Baybay City sa Leyte kung saan nakakulong sina Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. at Raul Yap.

Sina Espinosa at Yap ay kapwa nahaharap sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Matatandaang inamin ni Marcos sa Senado na siya ay nasa labas ng mismong kulungan, ngunit nasa loob lamang ng bakuran nito, nang pasukin ng kanyang 18 tauhan ang mga selda nina Espinosa at Yap upang ihain ang search warrant laban sa dalawa bandang 4:30 ng madaling araw noong Nobyembre 5.

Sa paghahain ng search warrant, namatay sina Espinosa at Yap, sapagkat sila ay nanlaban, ayon sa pangkat ni Marcos sa Senado.

Nang maimbitahan si Kerwin Espinosa, anak ni Mayor Espinosa na umaming drug lord, sa Senado ay idiniin nitong humingi si Marcos ng malaking halaga sa kanya bilang pondo ng kanyang asawa sa pagtakbo sa nakalipas na eleksyon para sa lokal na posisyon.

Tahasang itinanggi ito ni Marcos sa pagsasabing malabo itong mangyari, sapagkat matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa.

Isa ring kamag-anak ni Marcos na reporter sa lokal na pahayagan sa Ormoc City ang ‘patong’ (nakapayola) kay Kerwin.

Inamin ni Marcos na mayroon siyang kamag-anak, ngunit hindi niya alam ang tungkol sa akusasyon laban dito.

Ayon kay Duterte, kailangang ibalik si Marcos sa CIDG – 8, sapagkat pinasusubaybayan niya ang galaw ng opisyal, lalo pa’t positibong konektado ito sa sindikato ng iligal na droga, hanggang siya ay masukol.

Ang pahayag ni Duterte ay kaiba sa kanyang posisyon isang araw matapos na mapatay sina Espinosa Sr. at Yap.

Lantaran niyang sinuportahan at ipinagtanggol ang aksyon ng pangkat ni Marcos.

Kaagad itong umani ng mga puna mula sa kanyang mga kritiko at kaalyado sa Senado, kabilang na si Senador Richard Gordon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like