DUTERTE SA AMERIKA: ‘SINONG TINAKOT N’YO?’

 

Pres. RODRIGO ROA DUTERTE
Pres. RODRIGO ROA DUTERTE

Ni: Marites Badilla

 

HINDI nasindak si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa ulat na iaatras ng Estados Unidos ng Amerika ang kontratang higit 27,000 riple.

Idiniin ni Duterte na may pagkukunan ng baril ang Pilipinas.

Tinukoy ng Pangulo ang Rusya na  posibleng pagbilhan ng mga baril.

Ang pahayag ni Duterte ay reaksyon niya sa ulat na gusto ni Senador Ben Cardin, miyembro ng United States’  Senate Foreign Relations Committee, na itigil ang kasunduang pagsuplay sa Pilipinas ng mahigit 27,000 riple mula sa isang kumpanya sa  Amerika dahil sa umanoy tahasang paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte habang isinusulong ang kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Ang nasabing mga baril ay ipapadala sa Pilipinas sa susunod na taon, batay sa kontrata.

Ang kabuuang halaga ng kontrata ay P1.7 Bilyon.

Nitong Hulyo 13 lamang napirmahan ang kontrata.

Tila kinatigan ni Director General Ronald dela Rosa ang posisyon ni Duterte nang sabihin n’ya na hindi talo ang Pilipinas, kundi ang Amerika kung itutuloy ang pag-atras.

Ayon kay Dela Rosa, hindi nakapanghihinayang ang pag-atras ng Amerika sa kontrata, sapagkat marami namang puwedeng bilhan ng baril ang Philippine National Police (PNP).

Bukod sa Rusya, ang iba pang bansa na maaaring pagkunan ng Pilipinas ng mga baril ay

Germany, Israel, China, Belgium, at iba pa, banggit ng hepe ng PNP.

Kahit si Senador Panfilo Lacson ay kumbinsidong talo ang Amerika kung matutuloy ang pag-atras pagsusuplay ng mga baril sa Pilipinas na gagamitin ng PNP.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like