DUTERTE PRESIDENCY: Nakababahala!

“Nakababahala” ito ang sambit ni Ramon R. del Rosario Jr. , chairman ng maimpluwensyang Makati Business Club (MBC) sa idinaos na forum noong nakaraang lingo, April 27.

Sa nasabing pagpupulong inamin ni del Rosario na siya ay may agam-agam kay Rodrigo Duterte, pambato ng PDP Laban sakaling manalo itong pangulo ng Pilipinas. “The image he (Duterte) creates in my mind is a disturbing one… (as this indicates) his lack of respect for the rule of law which is extremely important if we want to have confidence in the economy…” sabi ni del Rosario.

Ayon pa din kay Del Rosario, ang isa sa pundasyon ng malusog na ekonomiya ay ang pagpapahalaga sa batas at ang pagpapatupad nito ng tama at naaayon sa proseso. Dugtong pa ng chairman, “Rodrigo Duterte paints a “disturbing,” if not actually frightening, picture as the country’s next president that can affect business confidence in the country centered on the Davao City mayor’s alleged “lack of respect for the rule of law.”

Nakababahala ang mga pahayag ni Duterte sa mga bagay-bagay na gagawin niya upang masugpo ang kriminalidad kung sakaling mahalal nga itong pangulo. Ipinaalala ni del Rosario ang ilan sa mga binitawan ni Duterte sa publiko tulad ng pagpapapatay sa mahigit na 100,000 pinaghihinalaang mga kriminal at itatapon ang mga bangkay nito sa Manila Bay at ibang mga waterways sa lungsod. Kung aakmang lalaban o pipiglas ang mga ito, sila ay papatayin agad. Ito ang ipag-uutos sa mga kapulisan.

Kahit pa ito ay labag sa karapatan ng isang akusado na magkaroon na patas na pagdinig ng Batas. Ang mga kapulisan ay magdadala na “pre-signed pardons” na kung saan hindi pakikialamanan ang mga kapulisan ng mga ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Commission on Human Right (CHR), Ombudsman at mismo ng Kongreso. Sinabi pa ni Duterte sa publiko na hindi siya mangingiming buwagin ang kongreso at magtayo ng isang “revolutionary government” kapag siya ay pinakialamanan o salungatin ng kongreso ang kanyang mga ipinag-uutos o bantaan ng “impeachment.”

“Sometimes more often than not, we hope that candidates will do as they promised but this is one time I am hoping that this particular candidate does not do what he promises to do.” Dagdag ni del Rosario.

Dahil sa mga pahayag na ito ni Duterte maraming mga mga negosyanteng lokal at dayuhan ang nagkaagam-agam sa kani-kanilang investment portfolios sa bansa.

Ang pamamalakad ng gobyerno ay nakabatay sa madaming aspeto hindi lamang sa kriminalidad. Si Duterte ay binabatikos ng mga ilang top business leaders ng bansa na karamihan ay kabilang sa MBC. Walang naipakitang mahalagang at ‘masustansiyang’ economic policies at matatag na economic program ang alkalde ng Davao City. Ang tanging nasabi ng alkade ay ang kanyang pagsugpo sa kriminalidad, edukasyon, at ang paggamit niya ng Viagra sa pagtatalik na siyang naging daan upang manlamig sa kanya ang mayorya ng mga business leaders at tuluyang mawawala ang suporta ng mga ito sa alkalde ng Davao City. (Pamela Sue)

You May Also Like