Duterte pinapanalo ng mga mayayaman

MANILA — Sa pagtatapos ng deadline ng Commission of Elections (Comelec) nitong Hunyo 8 sa pagsusumite ng mga kandidato sa nakaraang halalan ng kani-kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) lumalabas na mga  mayayamang negosyante ang nasa likod sa pagkapanalo  ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

https://www.facebook.com/rodyduterte/photos
https://www.facebook.com/rodyduterte/photos

Ayon sa Comelec, hindi man pinakamalaki umabot naman sa humigit kumulang P375,009,474.90 milyong piso ang ginastos ng kampo ni Duterte sa kanyang kampanya upang masungkit ang pinakamataas na pwesto sa bansa.

Karamihan diumano sa mga nagpondo sa kampanya ni Dutere ang mga kilalang at mayayamang negosyante mula sa Davao kabilang sina Rep. Antonio R. Floirendo, Jr. ng Davao del Norte nag nagbigay ng pinakamalaking halaga na umabot sa 20% ng kabuuang halaga o P75,000,000. milyong piso. Si Floirendo ay kasalukuyang chairman ng Anflo Management and Investment Corporation (ANFLOCOR) na nasa negosyong agrikultura na ang pinakamalaki produkto ay saging at operasyon ng port terminal containers at radio station, housing, at trucking business.

Sina  Samuel Uy ng Davao Farms and Davao Import Distributors Incorporated ay  nagbigay ng Php 30,000,000. Si  Bienvenido F. Tan naman ay nagbigay din ng  P20,000,000. Samantala sina  Nicasio, I. Alcantara  at  Tomas I. Alcantara ng Alsons Consolidated Resources ay nagbigay ng P16,000,000 at P12,000,000. Ang  Phoenix Petroleum Philippines sa pangunguna ni Dennis A. Uy ay nagbigay ng P2,000,000. Limang milyong  piso naman ang binigay ni Cherylyn C. Uy ng Chelsea Shipping Corporation at si  Lorenzo Te ng Honda Cars Davao ay P30,000,000.

Kabilang din sa nagbahagi ng pondo ay sina Carlos G. Dominguez na nagbigay ng P2,300,000. Si Dominguez ay  ang bagong Secretary of Finance at  ang bagong Executive Secretary Salvador C. Medialdea sa halagang P500,000.  Maging si Senador Alan Peter S. Cayetano ay nagbahagi ng P72,100,000.

Samantala si Senador Grace Poe ay may pinakamalaking ginastos sa pangangampanya sa  halagang P510.84 milyong piso. Sumusunod ang pambato ng administrasyong Aquino na si Manuel “Mar” Roxas na hindi umabot ng pagsusumite ng SOCE sa deadline ng Comelec.

Nagpahiwatig naman ng pagkabahala sa social media ang ilang mga mamamayan ng Davao maging sa ilan pang mga lugar sa Pilipinas  na baka mauwi lamang sa bayad utang ang pinangakong pagbabago sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ng nanalong pangulo ng bansa. (Mark Silva)

You May Also Like