Duterte, nagsinungaling

Hindi totoong walang natanggap na pera si incoming President Rodrigo Duterte sa kanyang campaign kitty nitong nakalipas na eleksiyon.

Ito ang nadiskubre ng Tapat News mula sa kanyang statement of contributors and expenditures o SOCE na isinumite sa Commission on Elections (Comelec).

Hindi maaaring dayain o magsinungaling ang siumang kandidato o pampulitikang partido sa kanyang SOCE, sapagkat ito ay opisyal na dokumentong ipinapasa nila sa Comelec pagkatapos ng eleksiyon, manalo o matalo, alinsunod sa utos ng batas sa eleksyon.

Ang SOCE ni Duterte ay malinaw na taliwas sa kanyang idiniin nitong Miyerkules sa publiko na wala siyang natanggap na donasyon mula sa mining company kahit isa.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ni Senator-elect Manny Pacquio sa Saranggani, sabi ni Duterte “I assure you that I never really accepted money from any mining company. Iyan masiguro ninyo maski tanungin ninyo [sinuman sa kanila].”

Ayon sa SOCE ni Duterte, si Michael Regino, presidente ng Agata Mining Ventures at San Agustin Mining Services, Inc. ay nag-ambag ng P14 milyon bilang pondo ng kampanya ni Duterte.

Ang P14 milyon ay bahagi ng kabuuang P375 milyong natangga ni Duterte na ambag sa kanyang campaign kitty, kabilang na ang higit P78 milyon na galing kay Sen. Alan Peter Cayetano na kanyang kanyang kandidato sa pagiging bise-presidente.

Natalo si Cayetano, ngunit nanatli siyang senador sa ika-17 Kongreso dahil hanggang 2019 ang kanyang termino.

Nag-ambag din ng P75 milyon si Davao del Norte 2nd District Representative-elect Antonio “Tonyboy” Floirendo Jr.

Ang iba pang negosynateng nagbigay ng pera kay Duterte ay sina Dennis Uy, taagapagtatag ng Phoenix Petroleum, Samuel Uy ng Davao farms at Davao Import Distributors, Inc., at Lorenzo Te, general manager ng Honda Cars-Davao na

pawang P30 milyon bawat isa ang inambag, batay saa banggit ng SOCE ni Duterte.

Mayroon ding kabuuang P86.5 milyon kontribusyong galing anim pang negosyante sa Metro Manila.

Kamakailan, binalaan ni Duterte ang mga kompanya ng mina sa Pilipnas na sumunod sa pandaigdigang alintuntunin ng pagnenegosyo ng mina tulad ng ginagawa ng mga kompanya sa Australia at Canada.

Hindi naman binanggit ni Duterte na maging ang Agata Mining Ventures at San Agustin Mining Services, Inc. na ang hepe nitong si Regino ay nag-ambag ng milyun-milyong pera sa campaign funds ni Duterte, ay dapat tumupad din sa babala ng bagong pangulo. (Tapat)

You May Also Like