Duterte, Hinimok na Magdeklara ng Gyera Laban sa Kontraktuwalisasyon

 

 

GYERA LABAN SA 'ENDO': Ang pagpapatigil sa end of contract (endo) ang isa sa mga hangad ng Partido Manggagawa (PM) na wakasan ng administrasyong Duterte. (ambag ng Partido Manggagawa)
GYERA LABAN SA ‘ENDO’: Ang pagpapatigil sa end of contract (endo) ang isa sa mga hangad ng Partido Manggagawa (PM) na wakasan ng administrasyong Duterte. (ambag ng Partido Manggagawa)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
TAHASANG nanawagan ang Partido Manggagawa (PM) kay Pangulong Rodrigo Duterte na maglunsad ng gyera laban sa kontraktuwalisasyon upang umangat ang buhay ng mga manggagawa.
 
Ani Renato Magtubo, pambansang taga-pangulo ng PM, dapat “Ikulong ang mga tulak ng endo (end of contract) at contractualization lords. Buhayin [at] ‘wag patayin ang human rights. Ito ang panawagan ng mga manggagawa.”
 
Ang endo ay ang pagtatapos ng kontrata ng trabaho pagkaraan ng tatlo hanggang limang buwan.
 
Ang kontraktuwalisasyon ay pagtatrabaho na nakakontrata nang hindi lalampas ng limang buwan.
 
Wala sa minimum ang sahod ng mga manggagawang kontraktuwal.
 
Wala ring pampinansiya at panlipunang benepisyo.
 
Ang pagwawakas ng kontraktuwalisasyon sa Pilipinas ay isa sa mga pangako ni Duterte noong siya ay nangangampanya pa lamang bilang pangulo ng bansa.
 
Idiniin ni Magtubo na ang “kontraktuwalisasyon ay tulad ng droga. Sumisira din ito sa buhay ng tao. Winawasak nito ang pamilya, at winawalanghiya ang kinabukasan ng kabataan.”
 
“Paanong magkakaroon ng disenteng buhay ang isang pamilya kung ang taga-buhay dito ay manggagawang endo na pinasasahod ng mababang sahod kada buwan at walang mga benepisyo at hanggang limang buwan lamang aabutin ang trabaho?,” tanong ng lider-manggagawa.
Umaasa ang PM na mapaparusahan ang tinatawag nilang “big time pushers of contractualization, among whom are the richest capitalists.”

You May Also Like