DUTERTE, HINDI BIBIGAY SA TSINA

 

Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE
Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE

Ni: Roy Bersales

 

WALANG katotohanan ang persepsyon ng publiko na isusuko ng administrasyong Duterte ang West Philippine Sea sa People’s Republic of China.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mamamayang Pilipino, dalawang araw bago niya makausap ang liderato ng Tsina sa Oktubre 18.

Nabuo sa pampublikong opinyon ang persepyon na ibibigay ni Duterte ang West Philippine Sea sa Tsina dahil higit na pinapaburan ng Pangulo ang nasabing bansa kumpara sa Amerika.

Matatandaang ilang beses nang binakbakan ni Duterte ang Amerika dahil sa pagiging dominante umano ng huli.

Ang gustong mangyari ni Duterte ay patas ang posisyon ng Pilipinas at Estados Unidos sa isa’t isa.

Sa kabilang banda, kinikilala at inaayos ni Duterte ang relasyon ng Pilipinas at Tsina, hindi kaparis sa nakalipas na administrasyon kung saan tila umiiral ang ‘tensyon’ sa pagitan ng dalawang bansa.

Idiniin ni Duterte na maninindigan ang kanyang administrasyon hinggil sa pag-aari ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Aniya, mananaig ang desisyon ng pandaigdigang korte na nagsasabing ang West Philippine Sea ay pag-aari ng Pilipinas at hindi ng Tsina.

Hindi ito kinilala at tinanggap ng Tsina.

Ngunit, inilinaw ni Duterte na hindi siya magtatakda ng anumang mabigat na desisyong makasisira sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.

“I cannot give what is not mine, and which I am not empowered to do by any stretch of imagination,” paliwanag ni Duterte.

Anang Pangulo, simple lamang ang kanyang gabay sa pakikipagrelasyon sa China at ito ay “mag-usap tayo, o mag-away.”

Ang Tsina ang kinikilalang makapangyarihang bansa sa kasalukuyan.

Kontrolado at pinatatakbo ito ng Chinese Communist Party (CCP) simula noong 1949.

Noong hindi pa hawak ng CCP, ang Tsina ay bansang ubod nang hirap na pinaglalaruan at dinidiktahan lamang ng Amerika.

Simula nang magsarili ang Tsina ay unti-unti itong umunlad at umangat hanggang naging makapangyarihang bansa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like