Duterte, ayaw magaya ang Pinas sa Mexico

Idiniin ni incoming President Rodrigo Duterte na kaya niya gustong matapos na ang problema ng Pilipinas sa ipinagbabawal na gamot dahil ayaw niyang matulad ang bansa sa Mexico.
 
Ani Duterte, sa Mexico kasi ay tumatakbo ang mga pulitiko kung saan galing sa sindikato ng droga.
 
“Ayaw kong mangyari ‘yan dito!,” rugon ni Duterte.
 
Naniniwala ang magiging ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na mapaparis sa Mexico ang eleksiyon sa bansa sa mga susunod na panahon kung hindi matutuldukan ang suliranin sa droga.   
 
Para kay Duterte, matitigil lamang ang talamak at laganap na bentahan at paggamit ng droga sa bansa tulad ng shabu, ecstacy, marijuana, at iba pa kung dahas ang gagamitin sa mga ito.
 
Matapos magwagi sa eleksiyon si Duterte, sunod-sunod na ang namamatay na mga drug lord.
 
Sa talaan ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa higit 35 na ang namatay dahil sa kampanya ng droga ng pulisya.
 
Ang pinakahuli ay si Edres Domato, kapitan ng Brgy. 188 (Tala) ng Caloocan City, kung saan inambus siya sa Quezon City.
 
Si Domato ang pangunahing drug lord sa Caloocan City, ayon sa rekord ng Caloocan City PNP.
 
 “May alam ako, maraming nanalo dito… They never really bothered to join a political party. They just went ahead to run because they had money,” banggit ni Duterte.
 
Kamakailan, idiniin din ni Duterte na mayroong 35 politikong nakapuwesto sa iba’t ibang pamahalaang lokal ang sangkot sa droga.

 

Propellerads

You May Also Like