Duterte, 4 na Dating mga Pangulo, Nagpulong

 

 

 Ni: Belle Orlina
 
SA unang pagkakataon nagpulong ang apat na dating mga Pangulo ng bansa at ang kasalukuyang Pangulo na si Presidente Rodrigo R. Duterte nitong Miyerkules.

 
Ang paksa ng pulong nina Duterte, Benigno Simeon Aquino 3rd, Gloria Macapagal-Arroyo, Joseph Ejercito Estrada, at Fidel V. Ramos sa National Security Council (NSC) ay ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) hinggil sa West Philippine Sea na pabor sa Pilipinas, kampanya laban sa iligal na droga, at iba pa.
 
Kasama rin sa pulong ang mga kasapi ng Gabinete ng administrasyon, pinuno ng Senado na si Senate President Aquilino Pimentel 3rd, at lider ng Kamara del Representantes na si Speaker Pantaleon Alvarez.
 
Ang NSC ay pinupulong upang pag-usapan ang mga mahahalagang isyu na may kinalaman sa seguridad ng bansa.
 
Ang unang pulong ng NSC sa ilalim ng administrasyong Duterte ay maituturing na makasaysayan, sapagkat kauna-unahang pangyayari na nagkita-kita ang apat na dating Pangulo at kasalukuyang Pangulo ng bansa.
  
Inaasahan na mauulit ang nasabing pulong ng mga pinuno ng bansa.

You May Also Like