DSWD: Taga-pagtanggol ng mga katutubo

 

Ni: Marites Badilla

 

HINDI na kaaway ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang lumad at iba pang katutubo.

Katunayan, solidong nakikipagkaisa na ang DSWD sa lahat ng katutubo sa pangunguna ng lumad, banggit ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo sa higit isang libong lumad at mga katutubo sa isinagawang “Sadyandi” (kasunduan ng pagkakaisa) nitong Miyerkules sa Koronadal, Cotabato.

Idiniin din ni Taguiwalo ang solidong pakikiisa ng DSWD sa pakikibaka ng mga katutubo “against destructive mining and logging activities that have resulted in the mass displacement of many Lumad and farmers’ communities.”

Suportadong-suportado rin ng DSWD ang kampanya ng lumad at iba pang katutubo hinggil sa “pagtatanggol sa kanilang karapatang pantao, kabilang ang pagbawi sa kanilang lupang galing pa sa kanilang mga ninuno na kinamkam ng mining companies, corporate plantations, at logging companies,” saad ni Taguiwalo.

Ang posisyong ito ng DSWD ay malayong-malayo sa naging tindig ng kagawaran sa nakalipas na taon.

Sa pamumuno ni Sec. Corazon “Dinky” Soliman, ang DSWD ay kaaway ng mga katutubo, kasama na ang mga lumad sa nakalipas na anim na taon.

Kahit isang beses ay hindi ipinaglaban ni Soliman at ng kanyang DSWD ang mga katutubo at ang kanilang mga isyu at hinaing na matagal nang ipinaglalaban.

Kung matatandaan, madalas pang ipagtanggol ni Soliman ang militarisasyon at pagpaslang sa mga lumad at katutubo na ginawa ng mga sundalo at para-military laban sa kanila.

Inulat ng Ibon Foundation na maraming mga namatay na mga lumad at iba pang katutubo sa nakalipas na anim na taon bunga ng pagwasak ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamayanan ng mga katutubo at pagpaslang sa kanilang mga pinuno.

Sa pagkakataong ito, nangako si Taguiwalo na pagbubutihanan ng DSWD ang pagtulong at pagpapabuti ng serbisyo ng kagawaran sa mga katutubo, kabilang ang mga lumad.

Ang mga programa at proyekto ng DSWD ay hindi taliwas sa kultura ng mga katutubo, banggit pa ni Taguiwalo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like