DSWD: 25% Dagdag Badyet sa 4Ps

 

Ni: Roy Bersales

 

MAHIGIT 2,000 lamang ang idadagdag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 4.3 milyong katao upang umabot sa eksaktong 4.4 milyon ang makikinabang sa Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa susunod na taon, ngunit kailangang maging P78.6 Bilyon ang kabuuang pondo ng nasabing programa ng pamahalan.

Ang dagdag pondo ay 25.5% ang itinaas nito mula sa badyet ng taong kasalukuyan.

Ang P78.6 Bilyon ay bahagi ng P129.9 Bilyong hinihinging badyet ng DSWD sa Kamara del Representantes para sa 2017 mula P110.9 Bilyon ng taong kasalukuyan.

Halos 20% ang itinaas nito.

Ang 1.3 milyong nakalaya na sa istatus na mahirap ay patuloy pa ring makatatanggap ng ng pera buwan-buwan mula sa DSWD, pagtitiyak ni Sec. Judy Taguiwalo.

Ani Taguiwalo, matitigil lamang ang suportang pinansiyal ng pamahalaan kapag nakapagpirmes na ang administrasyong Duterte ng bagong programa na magtitiyak na kakayanin na nilang mabuhay sa pamamagitan ng sariling kayod.

Ang 4Ps ay programa laban sa kahirapan simula noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ipinagpatuloy ito ni dating Pangulong Benigno Aquino III kung saan pinalaki pa niya ang pondo ng 4Ps.

Binatikos ng mga makakaliwang puwersa ang 4Ps, sapagkat para sa kanila ay hindi nito tunay na mapapalaya ang mga mahihirap sa napakalalang kahirapan.

Maging ang National Economic Development Authority (NEDA) ay malaki ang kuwestiyon sa kapasidad ng 4Ps na mapalaya sa kahirapanan ang 4.3 milyong Pilipino.

Tutol din ang Ibon Foundation sa 4Ps dahil ang “dole-out” ay hindi nito ginigiba ang pundsyon ng kahirapan at kagutuman.

Ayon sa DSWD, ang 4Ps ay namamahagi ng pera sa mga kasali sa nasabing proyekto na tumutugon sa mga kondisyon nito tulad ng regular na pagpasok sa klase ng mga bata, regular na pagtungo sa health centers, at pagdalo sa Family Development Sessions (FDS).

Sa talaan ng DSWD, mayroong 4,397,171 aktibong pamilya ang 4Ps sa buong bansa, o 95.16% mula sa target na 4,620,630 pamilya hanggang nitong Agosto 31.

Umaasa ang DSWD na eksaktong 4.4 milyon na ang makikinabang na pamilya ngayong darating na Disyembre.

Kabilang pa rin ang 1.3 milyong nakalaya na sa kahirapan.

Ang bawat benepisyari ay tumatatangap ng P500 para sa kalusugan, o P6,000 sa loob ng isang taon; P300 bawat isa (P3,000); at P1,400 bawat isa sa tatlong bata na nag-aaral.

Makatatanggap pa sila ng 20 kilong bigas bawat buwan, maliban sa 1.3 milyong nakawala na sa kahirapan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like