DSWD: 10,000 BATA, BIKTIMA NG GYERA, LUMABAG SA BATAS, AT ADIK

BILANGGUAN: Ang kulungan ay sumisimbulo sa lipunang itinuring na bilangguan ng mga bata dahil sa halip na bigyan sila ng magandang kinabukasan, 'winasak' ang kanilang musmos pang paggkatao sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa kanilang saamu't saring problema ng ating bansa. (Rafael Taboy)
BILANGGUAN: Ang kulungan ay sumisimbulo sa lipunang itinuring na bilangguan ng mga bata dahil sa halip na bigyan sila ng magandang kinabukasan, ‘winasak’ ang kanilang musmos pang pagkatao sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa kanila sa samu’t saring problema ng ating bansa. (Rafael Taboy)

Ni: Boy Celario

 

UMABOT sa 10,556 lahat ang kabuuang bilang ng mga batang biktima ng lokal na digmaan, pagnanakaw, at paggamit ng bawal na gamot nitong 2015, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa 10,556, mahigit 50 porsiyento ang biktima ng pakikipaglaban ng mga armadong rebeldeng grupo sa pamahalaan.

Nasa 4,014 bata naman ang nahaharap sa kasong theft mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang natitirang 138 ay pawang gumagamit ng bawal na gamot.

Sabi ni Normina Mojica ng DSWD’s Council for the Welfare of Children, ang datos na nakuha ng DSWD ay galing sa Philippine National Police (PNP).

Ani Mojica, ang mga bata ay biktima ng kahirapan, sapagkat ang 10,556 bata ay mula sa mahirap na mga pamilya.

Idiniin ni Mojica na kailangan talagang resolbahan ang kahirapan, sapagkat hangga’t umiiral ang kahirapan ay tiyak hindi matatapos ang pagkabiktima ng mga bata sa digmaan, pagnanakaw, at paggamit ng bawal na gamot.

Ganito rin ang pananaw ni Rep. Alfredo Garbin Jr. ng Ako Bicol party-list group.

Naniniwala si Garbin na ang paglabag ng mga bata sa batas ay dahil sa kahirapan at ang kawalan ng pag-aaruga ng mga magulang.

Ayon sa mambabatas, dapat labanan ang malnutrisyon at kahirapan upang maresolbahan ang mga problema sa kabataan.

Ayon kay Mojica, ang tanging magagawa ng DSWD ay isailalim ang mga bata sa DSWD upang maiayos ang pagkalinga sa kanila.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like