DSAC naglunsad ng tulong pangkabuhayan ng Yolanda farmers

Yen Ocampo

Mahigit sa 800 magsasaka mula sa iba’t ibang munisipalidad na nasalanta ng bagyong Yolanda ang nagsama-sama noong Pebrero 19 sa isinagawang 1st Farmers’ Summit sa Basey, Samar upang ilahad ang kanilang problema sa agrikultura.

Ang mga pangunahing problema ay tungkol sa irrigation, land ownership, scarcity of seeds, and farm to market roads, ayon sa pahayag ng mga magsasaka na ang mayorya ay mula sa mga lungsod ng Marabut, Basey and Sta. Rita ng Silangang Samar.

Nangangailangan rin ang mga Yolanda farmers ng karagdagang kagamitan, suportang kapital, coconut industry development, organic farming at health and crop insurance.

Ang naturang summit ay sa pangunguna ng Diocesan Social Action Center (DSAC) ng Calbayog. Ayon sa kanila, maraming biktima ang bagyong Yolanda ang nahihirapang maibalik ang kanilang kabuhayan hanggang sa ngayon.

Sa tulong ng DSAC Calbayog, maraming magsasaka ang sumailalan sa mga trainings para maging micro-entrepreneurs kung saan makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Bukod sa livelihood projects, ang DSAC Calbayog rin ay tumulong sa mga usaping pabahay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, disaster risk reduction, ecosystem, water and sanitation and hygiene interventions sa naturang probinsya.

Nagkaroon rin ng “commitment signing” sa naturang summit at umaasa ang mga Yolanda farmers at ang DSAC Calbayog na maisakatuparan ang lahat ng nakasaad rito. Ito ay pinirmahan ng mga local na opisyales tulad nina Samar Governor Sharee Ann Tan at Basey Municipal Mayor Junji Ponferrada.

Pumirma rin ang mga kinatawan mula sa Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Science and Technology, Technical Education and Skills Development Authority, Philippine Coconut Authority, National Irrigation Administration at Department of Agrarian Reform.

You May Also Like