Drug Users, Pag-aaralin ng DILG

 
Ni: Joel O. Amongo
 
PLANO ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael “Mike” Sueno sa Alternative Learning System (ALS) upang magkaroon ng bagong buhay ang mga drug user na nagsipagsuko na at iyong mga gustong sumuko pa.
             
Ayon kay Sueno, kailangang magkaroon ng pagkakataon ang mga taong nalihis ng landas na magbagong buhay sa pamamagitan ng pag-aaral sa ALS ng DepEd.
           

 

 

Sa pamamagitan ng ALS, mabibigyan ang mga drug user ng pagkakataon na magbagong buhay.
             
Sinabi pa ng kalihim na maraming sumusukong drug user na matagal na pa lang tumigil sa pag-aaral dahil sa pagshashabu.
 
Ang mga nagsipagtapos ng ALS ay nabibigyan naman ng pagkakataon na magpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo hanggang sa magkaroon sila ng matinong hanap-buhay.

You May Also Like