Droga, patalim, at P1-M, nakumpiska ng SAF sa Bilibid

 

 

 Ng: Tapat News Team (TMT)
 
WALANG takot ang mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) kahit elite team na ng Philippine National Police (PNP) ang itinalagang magbantay sa kanila.
 
Sa pagpapatuloy ng Oplan Galugad na pinangunahan ng Special Action Force (SAF) ng PNP, nakuhaan pa rin ang mga bilanggo sa Quadrant 2 ng P1 milyong cash, ilang piraso ng dolyar, pera ng Chinese, shabu, marijuana, drug paraphernalia, mga sigarilyo, kutsilyo, sumpak, DVDs, 100 cellular phones, WiFi routers, refrigerator, LGP tanks, air conditioning unit, generator set, flashlights, at iba pang appliances.
 
Ito ang dahilan kung bakit pinalitan ng SAF ang mga dating bantay sa NBP mulang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ngunit lumilitaw na wala nang takot ang mga bilanggo kahit anong yunit ng mga awtoridad ang pagbantayin sa nasabing pambansang piitan.
 
Nagsimulang madestino ang SAF sa NBP noong Hulyo 19.
Ayon sa SAF, ang Quadrant 2 ay kinabibilangan ng Batang City Jail, Batang Cebu, Batang Samar-Leyte, at ilang bilanggong pulitikal.

You May Also Like