Diyos ang nag-utos sakin na magbitiw – Pope Emeritus Benedict

VATICAN, ITALY — Ayon kay Pope Emeritus Benedict, sa pamamagitan ng isang karanasang “mystical”, ang Diyos mismo ang humiling na magbitaw ito sa puwesto bilang Santo Papa.

“God told me to” (Ang Diyos ang nag-utos sa akin) ang pahayag ni Pope Emeritus Benedict tungkol sa pagbibitiw nito bilang Santo Papa noong Pebrero 11 na ikinagulat ng marami.

Sa isang ulat ng Zenit Catholic news agency, tinukoy ang pag-uusap ng dating Santo Papa at ng isang bisita nito kung saan nabanggit ang tunay na dahilan sa likod ng pagbibitiw.

Ayon sa Zenit, sinabi ni Benedict sa kanyang bisita na humiling na hindi pangalanan, habang tumatagal at namamalas ng dating papa si Pope Francis, ang humalili sa kanya, lalo niyang napagtatanto na ang kanyang desisyon ay “wanted by God” (nais ng Diyos).

Kamakailan, nagpalipas ng panahon ang dating papa sa Castel Gandolfo upang matakasan ang mainit na panahon sa siyudad.

You May Also Like