Divisoria Mall, nasusunog

Alas dose pa ng hating gabi nang magsimula ang sunog sa Divisoria Mall at patuloy ang pagsiklab ng limang gusali nito.

Dalawa ang naiulat na na-trap sa loob ng gusali na kinilalalang sina Teodoro Enriquez guwardiya, at Frankn Peralta, isang utility crew. Kapwa naman nailigtas ang dalawa.

Ang mga gusali sa panulakan ng Juan Luna at Tabora street ay apektado dahil na rin sa makakapal na pader nito na nagkukulong sa apoy at usok.

Ayon sa isang bomberong rumesponde, aabutin ng dalawang araw bago maagapan nang tuluyan ang sunog na sinasabing sa basement ng mall nagsimula.

You May Also Like