Deployment ng PCOS machines, sinimulan na!

Nagsisimula na ang pagpapadala ng mga PCOS machines sa ilang probinsya sa bansa para sa darating na halalan.
Nagsisimula na ang pagpapadala ng mga PCOS machines sa ilang probinsya sa bansa para sa darating na halalan.

SINIMULAN nang pamunuan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapadala ng mga Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines at iba pang kagamitan na gagamitin para sa darating na May 13 midterm elections sa iba’t ibang lugar at lalawigan sa bansa.

Ayon sa notice mula sa packing and shipping committee ng Comelec, ipadadala na ang mga PCOS machines sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at mga lalawigan ng Cagayan, Palawan,Capiz at Cebu.

Batay pa sa notice,  ang joint venture ng 2GO Express, Inc. at 2GO Logistics, Inc. ang napiling courier ng poll body upang maghatid ng mga nasabing kagamitan patungo sa Regions VI, VII at VIII.

Samantala, para naman sa natitirang bahagi ng bansa, ang Airfreight 210o Inc. ang nakatakdang magdeploy ng mga naturang PCOS machines.

You May Also Like