DENR Usec. Jasareno, Sa Wakas Nagbitiw Dahil sa ‘Midnight Deals’

 

 

dating Usec. LEO JASARENO
dating Usec. LEO JASARENO

Ni: Jan Sinocruz

 

KUNG hindi pa inireklamo at natukoy na ‘bata’ ni dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ay malamang mananatili pa rin sa pagiging opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Leo Jasareno.

Si Usec. Jasareno ay tuluyan nang umalis sa DENR, banggit ni Secretary Regina Lopez sa media.

Ayaw sabihin ni Lopez kung ano ang dahilan ng pagbibitiw ni Jasareno.

Si Jasareno ay hepe ng Mines and Geoscience Bureau (MGB) sa nakalipas na administrasyon ni Aquino.

Dumaan sa kanya ang pag-iisyu ng permit upang ligal na makapagmina ang mga mining firm.

Ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Jasareno si Wilfredo Moncado na siya na ring magiging hepe ng MGB.

Inilabas ng media, kabilang na ang TapatNews.com,   kamakailan na si Jasareno ay nasangkot sa ‘midnight deals’ ng DENR na may kinalaman sa pagmimina.

Si Jasareno ay pinagpaliwanag ni Lopez hinggil sa reklamo ng Alyansa Tigil Muna (ATM) sa kanyang naging papel sa pagpapatuloy ng pagmimina ng 40 mining companies kahit bawal munang palawigin ang kanilang operasyon, sapagkat ipinipermis pa sa Kongreso ang isyu hinggil sa eksaktong kita ng pamahalaan sa pagmimina ng mga kumpanya.

Ayon sa ATM, si Jasareno ang nagrekominda kay dating DENR Secretary Ramon Paje na palawigin pa ang operasyon ng 40 mining companies.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like