Death March trail tatahakin sa Araw ng Kagitingan ultra-marathon

story 5-death march

Bibigyan ng parangal ang   mga bayaning sundalo na naging bahagi ng  Death March noong World War II sa paglarga ng 28th Araw ng Kagitingan Ultra-Marathon  sa Abril 8-9.

Ang taunang non-competitive relay run na ito ay inorganisa ng mamamahayag at running enthusiast na si Ed Paez.Magsisimula ang ultra-marathon sa Kilometer Zero post marker ng Death March Trail sa Mariveles, Bataan at magtatapos sa Death March Shrine sa San Fernando City, Pampanga.

Ayon kay Paez, na founder din ng San Fernando Runners Unlimited, Inc. (SAFER RUN), magkakaroon ng “Walk with the Heroes” portion na kung saan makikiisa ang mga nalalabing bayani ng Death March sa isang maigsing lakarin.

Bago simulan ang muling pagtahak ng mga volunteer runners sa 114-kilometer Death March Trail ay magkakaroon muna ng simpleng programa na pangungunahan nina Mariveles Mayor Jesse Concepcion at ni Post Commander Peregrino Divinagracia.

Lalahok sa ultra-marathon na ito ang mga runners ng SAFER RUN, Team Army,  Caloocan North Runners  Club,  Sta. Rosa City Runners, Runners Plus, Team  Tarlac City at Rotary International 3810.

Magpapalipas ng gabi ang grupo sa Lubao, Pampanga at sila ay sasalubungin nina Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda at Mayor Mylyn Cayabyab.

Ang mga mananakbo ay sasalubungin naman ni San Fernando Mayor Oscar Rodriguez sa Brgy. Sto. Nino Death March Shrine.

Ang event na ito ay suportado rin ng  MILO, Mayo Productions, Inc., POCARI Sweat, San Miguel Corp.,   EXCELLENT Noodles, Pampanga’s BEST, ALICE Bakery & Grocery, SPEED Detergent Bar, F.M. Ringor Engineering/AdEvents, Isport BOTAK,  BFAR Gitnang Luzon, PRO 3 at iba pang kaibigan ni Paez na tumutulong para lamang matuloy ang tinaguriang Tribute to World War II Veterans.

You May Also Like