DE LIMA ‘LILITSONIN’ SA DOJ

 

 

KASO LABAN KAY DE LIMA : Ipinakita sa media nina Atty. Dante Jiminez at Atty. Ferdinand Topacio ang kanilang reklamo laban kay Senadora Leila  de Lima at pitong iba pa. (Mon Estabaya)
KASO LABAN KAY DE LIMA : Ipinakita sa media nina Atty. Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topacio ang kanilang reklamo laban kay Senadora Leila de Lima at pitong iba pa sa Department of Justice (DOJ). (Mon Estabaya)

Ni: Roy Bersales

 

ANG Department of Justice (DOJ) na nagdidiin kay Senadora Leila de Lima hinggil sa pagkakasangkot umano nito sa bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) ay siya ngayong magpapasya kung nararapat sampahan ng kasong kriminal ang mambabatas sa korte.

Ito’y makaraang kasuhan si De Lima at pito pang iba ng “drug trading and trafficking” ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa pangunguna ng pangulo ng samahan na si Dante Jimenez.

Simula nang maupong kalihim ng DOJ si Vitaliano Aguirre II, si De Lima at ang NBP na ang pinagtuunan nito ng pansin.

Idiniin ni Jimenez na lumabag sa Comprehensive Dangerous Act of 2002 si De Lima at iba pa dahil sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa NBP.

Bukod kay De Lima, ang pito pang inasunto ay sina:

  1. Francisco Baraan III, dating DOJ undersecretary na naging boss ng Bureau of Corrections (BuCor) noong si De Lima pa ang kalihim ng DOJ;
  2. Franklin Jesus Bucayu, hepe ng BuCor panahon ni De Lima sa DO;
  3. Ronnie Palisoc Dayan, dating driver-bodyguard at dating kasintahan umano ni De Lima;
  4. Jaybee Sebastian, bilanggo sa NBP na kilalang drug lord na nagbigay ng P10 Milyon kay De Lima bilang pondo sa kandidatura ng huli sa pagkasenador nitong nakalipas na eleksyon;
  5. Joenel Sanchez, miyembro ng Presidential Security Group (PSG) na dating nakatalaga kay De Lima;
  6. Jose Adrian Dera (alyas Jad De Vera), pamangkin umano ni De Lima na isa kanyang mga bantay-seguridad; at,
  7. Wilfredo Ely, dating miyembro ng staff ni Bucayu.

Ayon sa reklamo ni Jimenez, ang kanyang mga inasunto sa DOJ ay “guilty” sa “sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of dangerous drugs and/or controlled precursors and essential chemicals,” na labag sa Seksyon 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at “attempt or conspiracy in the sale, trading, administration, dispensation, delivery, distribution and transportation of any dangerous drug and/or controlled precursor and essential chemical,” na labag naman sa Seksyon 26 ng nasabing batas.
“The massive drug trade inside the Bilibid was borne out of a malevolent idea that with vast power, respondents could control the syndicates operating inside the NBP without any competition or opposition; [b]etween 2012 and 2016, respondents, conspiring and confederating with one another, engaged in the sale and trade of illegal drugs inside and outside the Bilibid,” saad sa reklamo.

Ang mga basehan ng grupo ni Jimenez ay ang mga sinumpaang pahayag sa DOJ at mga testimonya ng ilang bilanggo sa NBP sa pagdinig sa Kamara del Representantes hinggil sa talamak na bentahan ng iligal na droga sa NBP.

Idiniin sa reklamo na si Lima, sa tulong nina “Bucayu, Baraan, Sanchez, Dayan, and Jaybee were able to execute a plan to ensure the proliferation and concentration of drug trade inside the NBP is placed under their control.”

Ang testigo ng VACC ay sina dating Police Chief Inspector Rodolfo Magleo (bilanggo), Herbert Colanggo (bilanggo),

Jojo Baligad (bilanggo), Noel Martinez (bilanggo), Engelberto Durano (bilanggo), Joel Capones (bilanggo), German Agojo (bilanggo), Hans Anton Tan (bilanggo), Froilan Trestiza (bilanggo), Jaime Patcho (bilanggo), Rafael Ragos (dating National Bureau of Investigation Deputy Director at dating BuCor OIC, Jovencio Ablen, Jr. (NBI Intelligence Agent I).

Binanggit din sa reklamo na “The existence of the fact of trade together with monetary consideration involved has been attested to by several prisoners and two (2) public officials… The witnesses who executed their respective affidavit sufficiently identified respondents as among those engaged in the illegal drug trade. In addition, the object of the trade, which is “shabu” had been clearly identified, together with the consideration for the trade – money.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like