De Lima, Ginawang Gatasan ang Drug Lords sa Bilibid

 

INILAGLAG SI D5: Tahasang pinabulaanan ni Jayvee Sebastian na siya ay 'government asset' tulad ng i binunyg ni Senadora Leila de Lima. (Rafael Taboy)
INILAGLAG SI D5: Tahasang pinabulaanan ni Jayvee Sebastian (bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na siya ay ‘government asset’ tulad ng ibinunyg ni Senadora Leila de Lima. (Rafael Taboy)

Ni: Roy Bersales

 

KUNG paniniwalaan ang testimonya ng bilanggong si Jayvee Sebastian sa House Committee on Justice, lumalabas ginawang ‘gatasan’ ni Leila de Lima ang mga drug lord sa National Bilibid Prison (NBP) para sa kanyang kandidatura para sa pagkasenador.

Sa pagdinig na isinagawa ngayong Lunes (Oktubre 10), ibinunyag ni Sebastian na nagbigay siya ng P2 Milyon kay De Lima, kada buwan noong 2015, umabot sa P10 Milyon lahat.

Ibinigay daw niya ito kay Joenel Sachez, security aide ni De Lima habang kalihim siya ng Department of Justice (DOJ).

Ayon kay Sebastian, ang P10 Milyon ay pondo ni De Lima para sa kanyang kandidatura sa pagkasenador.

Si De Lima ay tumakbo sa pagkasenador sa ilalim ng Liberal Party (LP) at tiket ng administrasyong Aquino.

Nanalo si De Lima. Inamin kamakailan ni De Lima na isa si Sanchez sa mga naging security aide niya noong kalihim pa siya ng DOJ.

Si Sanchez din ang itinuro nina Herbert Colanggo at Noel Martinez na pinagbibigyan nila ng P3 Milyon kada buwan.

Tahasang itinanggi ni Sanchez na naging bagman siya ni De Lima.

Sabi nila Colanggo at Martinez, si Ronnie Dayan umano ang nag-uutos kay Sanchez sa pangungolekta ng P3 Milyon kada buwan.

Si Dayan ay driver at bodyguard ni De Lima mula noong nagpapraktis pa lamang siya sa kanyang pagiging abogada hanggang maging hepe siya ng Commission on Human Rights (CHR) hanggang maging kalihim siya ng DOJ.

Si Dayan ay taga-Urbiztondo Pangasinan.

Ngunit, ang masahol na akusasyon kay De Lima na nanggaling pa kay Pangulong Rodrigo Duterte ay naging kasintahan ni De Lima si Dayan.

Iniwan umano ni Dayan si De Lima nitong Mayo ng taong kasalukuyan, sapagkat pinagselosan umano niya ang isang ‘Warren’ ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na sinasabing bagong kasintahan ni De Lima.

Sabi ni Colanggo, ang inihahatag nilang milyun-milyon kay De Lima ay pondo nito sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador nitong nakalipas na halalan.

Ang akusasyong ito ay tahasang itinanggi ni De Lima.

Sina Sebastian, Colanggo, at Martinez ay binigyan ng “immunity” ng House Committee on Justice sa kondisyong magsasabi sila ng katotohanan at hindi mag-iimbento ng anumang kuwento.

Ang testimonya ni Sebastian ay karagdagan lamang sa mga naunang pagsisiwalat ng mga bilanggo sa NBP laban kay Senadora De Liima.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like