DBM, BINATIKOS SA BAGSAK NA BADYET SA KALUSUGAN

 

Ni: Roy Bersales

 

TAHASANG binatikos ng Alliance of Health Workers (AHW) ang Department of Budget and Management (DBM) dahil ibinagsak nito nang todo ang badyet ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon.

Ang inilaan ng DBM sa  DOH para sa 2017 ay P38 Bilyon mula sa P74.4 Bilyon.

Ang nasabing aspeto ng badyet ay panggastos sa operasyon ng mga pampublikong ospital na pinamamahalaan ng DOH.

Idiniin ng AHW na napakahalaga ng badyet dahil ng mga pasyente ng mga pampublikong pagamutan ay nagmumulang lahat sa mahihirap na pamilya.

Kaya, nagtataka ang AHW kung bakit napakalaki ng tinapyas ni DBM Secretary Benjamin Diokno.

Sa inilaang pondo ng DBM, ang maintenance and other operating expenses (MOOE) nito para sa 72 pampublikong ospital ay magiging P3.67 Bilyon para sa 2017 mula sa P5.2 Bilyon ngayong 2016.

Ayon sa AHW, ang mamamayan ay matagal nang naghahangad ng libre at komprehensibong programang pangkalusugan, ngunit lumilitaw na hindi ito makakamit sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, sapagkat sa unang taon ng badyet nito sa 2017 ay ibinagsak na ang pondo ng DOH.

Umaasa ang AHW na magkakaroon ng himala upang magising at mabago ang isipan ni Diokno.

Matatandaang idiniin ni Diokno na ang badyet para sa susunod na taon ay alam ni Duterte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like